Guanethidine - oral

Watson Pharmaceuticals | Guanethidine - oral (Medication)

Desc:

Ang gamot na Guanethidine ay nagpapababa ng presyon ng dugo sa pamamagitan ng pagbawas sa mga antas ng ilang mga kemikal sa dugo. Tinutulungan ng gamot na ito ang mga ugat at arterya sa ating katawan upang magkaroon ngmaluwag at maayos na daluyan ng dugo. Ginagamit din ang Guanethidine upang gamutin ang Altapresyon (mataas na presyon ng dugo). Ginagamit din ang Guanethidine upang gamutin ang mataas na presyon ng dugo sa ating mga bato. Kinakailangang inumin ang gamot na ito tulad ng inireseta ng iyong doktor. Inumin ito sa parehong orasbawat araw. Inumin ito kasabay ng pagkain o pag-inom ng gatas upang maiwasan ang paghilab ng tiyan. ...


Side Effect:

Ang pagkahilo, pag-kaantok, sakit ng ulo, pagtatae, kawalan ng gana sa sekswal para sa mga lalake,pagkawala ng gana sa pagkain, pagkapagod, at pagbabara ng ilong ay maaaring mangyari habang ikaw ay nagagamot. Ipagbigay-alam kaagad sa iyong doktor kung ikaw ay nakakaranas ng:paninikip ng dibdib, pagkahingal, pagpapantal, pamamaga ng mga kamay o paa, paninilaw ng mata o balat, malubhang pagtatae, nawawalan ng malay o hinihimatay, pananakit ng mga kalamnan. Kung napansin mo ang iba pang mga epekto na hindi nakalista sa itaas, kontakin o ipaalam ang mga ito sa iyong doktor o parmasyutiko. ...


Precaution:

Maiging pag-iingat sa habang nagmamaneho, nagpapatakbo ng makinarya, o nagsasagawa ng iba pang mga mapanganib na aktibidad. Ang Guanethidine ay maaaring maging sanhi ng pagkahilo o pag-aantok. Kung nakakaranas ka ng pagkahilo o antok, makakabuting iwasan ang mga aktibidad na ito. Magdahan-dahan kapag tumatayo mula sa pagkakaupo o pagkakahiga, lalo na pagkagising sa umaga. Ang pagkahilo ay maaaring mangyari habang nagagamot ng Guanethidine na maaaring maging sanhi ng pagbagsak. Huwag hihinto sa pag-inom ng Guanethidine nang walang pahintulot ng iyong doktor. Maaari itong maging sanhi ng matinding pagtaas ng presyon sa dugo, nerbyos, at pagkabalisa. Kung sasailalim sa operasyon, , sabihin sa iyong doktor o dentista na umiinom ka ng gamot na ito bago ang iyong operasyon. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».