Haemophilus b, hepatitis b vaccine - injection

Merck & Co. | Haemophilus b, hepatitis b vaccine - injection (Medication)

Desc:

Ang Haemophilus B Conjugate/Hepatitis B Vaccine ay ginagamit upang maka-iwas sa impeksyong dala ng Haemophilus influenzae type B bacteria at hepatitis B virus. Haemophilus B Conjugate/Hepatitis B Vaccine ay isang bakuna. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagpapalabas sa ating katawan ng mga antibody laban sa Haemophilus influenzae type B bacteria at hepatitis B virus. ...


Side Effect:

May iilang side effect na maaaring mangyari matapos gamitin ang drogang ito gaya ng:pananakit/pamumula/pamamaga sa pinagturukan ng ineksyon, lagnat, iritasyon, pag-iyak, pagkawala ng ganang kumain at pagka-antok. Hindi naman madalas na side effect ay ang pagkakaroon ng pasa sa pinagturukan ng ineksyon, pagsusuka, pagkakaroon ng sipon, baradong ilong, sintomas ng sipon, ubo, at pagdudumi. Kung alinman dito ay tumagal o lumala, sabihin kaagad sa doktor ng iyong anak o pharmacist. Maraming bata na gumagamit ng gamot na ito ay hindi nagkakaroon ng seryosong side effect. Ipagbigay-alam ang lahat ng side effec sa doktor ng iyong anak bago tumanggap ang iyong anak ng susunod na turok. Sabihin sa doktor ng iyong anak kaagad kung alinman sa mga bibihira pero seryosong side effect ay maganap:mabilis /iregular na tibok ng puso, pagkahimatay. Ipagbigay-alam sa doktor ng iyong anak kung alinman sa mga sobrang bihira pero seryosong side effect ay maganap:hindi maigalaw ang kalamnan sa hita/braso/mukha (paralisis), mga seizure, mabilis na pamamasa/pagdurugo, pagbabago ng mood/timpla (hal. hindi karaniwang pag-uugali, malalang pagka-antok, stiff neck, pagsasara ng mata/pag-iwas sa maliwanag na ilaw). ...


Precaution:

May iilang gamot na maaaring makipag-interact sa Haemophilus B Conjugate/Hepatitis B Vaccine. Ipagbigay-alam sa iyong health care provider kung meron kang kondisyong medikal, lalo na kung ikaw ay buntis, may planong magbuntis, o nagpapasuso, kung meron kang iniinom na gamot na presciption o nonprescription, gamot na herbal, o dietary supplement, o kung meron kang allergy sa mga gamot, pagkain, o ibang substansya, o kung meron kang impeksyon, problema sa puso o baga, multiple sclerosis, sakit sa pagdurugo (hal. hemophilia), mababang bilang ng platelet, o kanser, kung meron kang mahinang resistensta o umiinom ng immunosuppressive medicine (hal. cyclosporine). ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».