Halcion

Pfizer | Halcion (Medication)

Desc:

Ang Halcion/triazolam ay ginagamit bilang panandaliang lunas sa mga pasyenteng hirap sa pagtulog (insomnia). Ginagamit ito kadalasan sa loob ng 7-10 araw. Makakatulong ito nang makatulog ka nang mabilis at mabasan ang dami ng oras na gising ka sa gabi. Makakatulong din ito nang makatulog ka nang mas mahabang oras. Ang Halcion/triazolam ay kabilang sa mga klase ng drogang sedative/hypnotics. Gumagana ito sa iyong utak nang makapagpalabas ng epektong nakakakalma. ...


Side Effect:

Tigilan ang paggamit ng triazolam at tumawag sa iyong doktor kung makaranas ng alinman sa mga side effect na ito:mahina o mababaw na paghinga; mabilis o kumakabog na pintig ng puso; pagkalito, utal-utal na pananalita, o hindi karaniwang pag-iisip o paggawi; guni-guni, pagiging madaling magalit, pagiging agresibo; pag-iisip na magpakamatay o pananakit sa sarili; hindi matigil na paggalaw ng mga kalamnan samata, dila, panga o leeg; maputlang balat, mabilis na pagkakaroon ng pasa o pagdurugo, hindi karaniwang panghihina, lagnat, panlalamig, pagsakit ng katawan, sintomas ng trangkaso, problema sa pag-ihi; pagduduwal, pananakit ng sikmura, sinat, kawalang gana sa pagkain, maitim na ihi, tulad-putik na dumi, jaundice (pagdidilaw ng balat o mata). Ang mga di-gaanong malalang side effect ay:pagka-antok sa umaga (o mga oras na hindi ka naman dapat antukin); amnesia o pagiging malilimutin; panghihina ng kalamnan, mahinang balanse o koordinasyon; pamamanhid, pamamaga, pananakit o tusok-tusok na pakiramdam; pananakit ng ulo, malabong paningin, masamang pakiramdam; pagkanerbiyos,excited, o iritable; pagduduwal, pagsusuka, masamang lagay ng sikmura; o tuyong bibig, sobrang pagka-uhaw. Humanap ng medikal na atensyon kung ikaw ay nakakaranas ng alinman sa mga sintomas ng seryosong allergic reaction gaya ng:pantal, pangangati/pamamaga (lalo na ng mukha/dila/lalamunan), sobrang pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gumamit ng Halcion, sabihin sa iyong healthcare provider kung may allergy ka. Ilang pag-iingat na dapat tandaan bago gumamit ng Halcion:(1) Ang insomnia ay maaring senyales ng ibang kondisyong medikal. Ang iyong healthcare provider ay dapat na sigurado na ang iyong insomnia ay hindi dala ng isang nagagamot na kondisyon; (2) Ang halcion ay isang kinontrol na substansya, na maaaring abusuhin. May mga espesyal na mga batas at regulasyon sa pagbibigay sa halcion bilang preskripsyon at pamimigay ng nito. Itoay hindi karaniwang rekomendado para sa mga may history ng pag-aabuso sa alcohol o droga (tingnan ang Halcion Abuse); (3) Ang halcion ay maaaring magdulot ng pagiging dependente sa saykolohikal at pisikal at madalas na inaabuso. Ang panganib ng pagkaadik at pagiging dependente ay mas malaki para sa mga gumagamit ng malalaking dose ng halcion sa matagal nang panahon (mas matagal pa sa iilang linggo); (4) Ang halcion ay maaaring magdala ng sobrang pagka-antok o hirap sa paghinga, na maaaring magsapanganib sa buhay ng isa. Ang panganib ng halcion ay tumataas sa kombinasyon ng alak, narkotiko, o ibang droga o substansyang nagdudulot ng pagka-antok at sedasyon. Hindi ka dapat magmaneho o gumamit ng mga mabibigat na makina habang hindi mo alam ang epekto ng halcion sa iyo; (5) Iilang tao ang nag-ulat na nagkaroon sila ng daytime anxiety habang gumagamit ng halcion. Ito ay isang senyales ng pagkadepende sa Halcion. Sabihin sa iyong healthcare provider kung nakakaranas ng daytime anxiety habang gumagamit Halcion. Hindi rekomendado na gamitin ang gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso nang walang abiso galing sa iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».