Haloperidol

Janssen Pharmaceutica | Haloperidol (Medication)

Desc:

Ang Haloperidol ay isang antipsychotic na gamot. Binabago nito ang mga aksyon ng kemikal sa iyong utak. Ang haloperidol ay ginagamit na lunas sa iilang sakit sa mental/mood (hal. schizophrenia, schizoaffective disorders). Ang gamot na ito ay makakatulong sa iyo na mag-isip nang mas malinaw, hindi gaanong nininerbiyos, at magawa ang pang-araw-araw na gawain. Maaaring tumulong din ito na makaiwas sa pagpapakamatay ng mga taong may tendensiyang manakit ng sarili nila. Nakakabawas din ito ng agresyon at pagnanais na manakit ng iba. Nakakabawas din ito ng mga negatibong kaisipan at mga guni-guni. ...


Side Effect:

Maari itong magdala ng pagkahilo, pagkaantok, hirap sa pag-ihi, hirap sa pagtulog, pananakit ng ulo, at kabalisahan. Kung alinman sa mga ito ay magtagal o lumala, kaagad ipagbigay-alam sa iyong doktor o pharmacist. Sabihin kaagad sa iyong doktor kung alinman sa mga side effect na ito ay mangyari:pananakit ng kalamnan/ paninigas, panginginig, pagkabalisa, blangkong ekspresyon ng mukha, paglalaway, Ang iyong doktor ay maaaring magbigay ng preskripsyon para gamitin mo kasama ng haloperidol nang mabawasan ang mga side effect na ito. Sa bibihirang kaso, ang haloperidol ay maaaring magpataas ng lebel ng iilang kemikal na ginagawa ng iyong katawan (prolactin). Sa mga babae, ang pagtaas ng prolactin ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng hindi ginugustong gatas sa suso, huli/nahintong pagreregla. Para sa mga lalaki, maaari itong magresulta ng mababang aktibidad sa sekswal, walangkakayahang maglabas ng semilya, o malaking suso. Kung magkaroon ng alinman sa mga sintomas na ito, ipagbigay-alam kaagad sa iyong doktor. Para sa mga lalaki, kung magkaroon ng masakit o nagtatagal na ereksyon (mas matagal sa 4 na oras), ihinto ang paggamit ng gamot na ito at humanap kaagad ng medikal na atensyon, o maaaring magresulta ito ng permanenteng problema. Sa bibihirang kaso,gamot na ito ay maaaring magdulot ng kondisyong tinatawag na tardive dyskinesia. Sa iilang kaso, ang kondisyon na ito ay permanente. Sabihin sa iyong doktor kaagad kung nagkakaroon ka ng alinmang paggalaw sa kalamnan/mukha gaya ng paglabas ng dila, pagnguya, paglobo o paglaki ng bibig, o hindi makontrol na panginginig. Sa bibihirang kaso, ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng seryosong kondisyon na tinatawag na neuroleptic malignant syndrome (NMS). Humanap kaagad ng medikal na atensyon kung magkaroon ka ng mga sumusunod na sintomas:lagnat, paninigas ng kalamnan, matinding pagkalito, sobrang pagpapawis, mabilis/ iregular na tibok ng puso. Sabihin kaagad sa iyong doktor kung alinman sa mga bibihira pero malalalang side effect ay mangyari sa iyo:maitim na ihi, nagtatagal na pagduduwal/pagsusuka, pananakit ng tiyan/sikmura. Paninilaw ng mata/balat, mga seizure, senyales ng impeksyon (gaya ng lagnat, nagtatagal na pananakit ng lalamunan). Ang sobrang malalang allergic reaction sa gamot na ito ay bibihira pero humanap kaagad ng medikal na atensyon kung mangyari ito. Ang mga sumusunod ay sintomas ng allergic reaction:pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na ng mukha/dila/lalamunan), sobrang pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Ang gamot na ito ay hindi dapat gamitin kung meron kang iilang mga medikal na kondisyon. Bago gamitin ang gamot na ito, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist kung meron kang:malalang problema sa nervous system (malalang CNS depression). Parkinson's disease. Ang produktong ito ay maaaring maglaman ng mga di-aktibong sangkap, na maaaring magdulot ng mga allergic reaction o ibang mga problema. Ang gamot na ito ay hindi dapat gamitin sa mga walang malay na pasyente. Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor ang iyong medikal na kasaysayan, lalo na kung meron kang:bipolar disorder, hirap sa pag-ihi (hal. dala ng problema sa prostate), glaucoma, sakit sa puso (hal. angina), overactive na thyroid (hyperthyroidism), mga seizure, mababang bilang ng puting selyula ng dugo. Ang haloperidol ay maaaring magdulot ng kondisyong nakakaapekto sa tibok ng puso (QT prolongation). Ang QT prolongation ay bibihirang magdulot ng seryoso (at bibihirang nakamamatay) ma mabilis/iregular na tibok ng puso at ibang mga sintomas (gaya ng malalang pagkahilo, pagkahimatay) na nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Ipakipag-usap sa iyong doktor ang ligtas na paggamit ng haloperidol. Ang gamot na ito ay nagdudulot ng pagkahilo o pagkaantok. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng mga gawaing nangangailangan ng pagiging alerto hanggang masiguro mong magagawa mo ang mga ito nang ligtas. Limitahan ang pag-inom ng mga inuming alkoholiko. Bago sumailalim sa surgery, siguruhing banggitin sa iyong doktor o dentista na ikaw ay gumagamit ng haloperidol. Ang gamot na ito ay nagpapabawas sa pagpapawis, na maaaring magdulot sa iyo ng heatstroke. Iwasang magbabad sa trabaho o mag-ehersisyo sa ilalim ng mainit na panahon. Nirerekomenda ang pag-iingat sa paggamit ng gamot na ito sa mga nakakatandang pasyente dahil maaaring sila ay mas sensitibo sa mga epektibo ng gamot, lalo na ang pagkaantok, hirap sa pag-ihi, at mga epekto sa puso. Hindi rekomendado na gamitin ang gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso nang walang abiso galing sa iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».