Halotestin
Pfizer | Halotestin (Medication)
Desc:
Sa mga lalaki, ang Halotestin ay ginagamit sa:(1) Replacement therapy sa mga kondisyong konektado sa mga sintomas ng kakulangan o kawalan ng endogenous testosterone; (2) mabagal na pagbibinata, na konektado sa banggit, at hindi lang isang minanang katangian. Sa mga babae, ang Halotestin ay ginagamit na lunas sa kanser na androgenresponsive recurrent mammary na higit sa isang taon pero mababa sa limang taon matapos maging menopausal, o napatunayang may tumor na nakadepende sa hormone gaya ng naipakitang epektibong sagot sa pagkakapon. ...
Side Effect:
Ang mga sumusunod na side effect ay madalas (na mangyari nang mahigit 30 porsyento) para sa mga pasyenteng gumagamit ng Halostestin:pagkawala ng buwanang dalaw (amenorrhea); paglalim ng boses; paglaki ng clitoris (maaaring hindi na maibabalik sa dati); pamamaga ng mukha, mga kamay o mga paa; tigyawat (tignan ang skin reactions). Pagkabaog. Ibig sabihin, ang iyong kakayahang magkaanak o pagiging ama sa isang bata ay maaaring naapektuhan ng fluoxymesterone. Ipakipag-usap ang isyung ito sa iyong health care provider. Ang mga sumusunod na side effect ay mas madalang sa mga pasyenteng gumagamit ng Halotestin:paglago ng buhok sa mukha (sa mga babae); pagtaas ng gana sa pagkain/ paglaki ng timbang; pagduduwal; pansamantalang pagkabawas ng thyroid hormone T4 (thyroxine); Ang paggana ng thyroid ay mukhang hindi naman apektado. Ang bihira pero seryosong side effect ng fluoxymesterone ay ang pagkakaroon ng hepatic adenomas (tumor sa atay), hepatocellular cancer (kanser sa atay) o ibang problema sa atay. Maaaring maganap ito sa pangmatagalang gamit ng gamot. Humanap kaagad ng medikal na atesyon kung makaranas ng alinman sa mga sintomas ng serysong allergic reaction gaya ng:pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, mahirap na paghinga. ...
Precaution:
Bago magsimulang gamitin ang Halotestin bilang lunas, siguraduhing sabihin sa iyong doktor ang ibang mga gamot na iniinom mo (kasama na ang mga preskripsyon, over-the-counter, bitamina, herbal na gamot, atbp. ). Ang Halotestin/fluoxymesterone ay maaaring makaapekto sa serum glucose levels ng pasyenteng dayabetiko. Ang mga pasyenteng may diyabetis ay dapat na maingat na suriin ang kanilang glucose. Ang mga gamot na lunas sa diyabetis ay maaring dapat baguhin. Ang gamot na ito ay hindi dapat ibigay sa babaeng nagbubuntis o sa babaeng nagpaplanong magkaroon ng anak. Kung ang babae ay nabuntis habang gumagamit ng Halotestin, ang gamutan ay dapat nang ihinto kaagad at ang babae ay dapat sumailalim sa couselling. Huwag magdalang-tao habang gumagamit ng Halotestin. Ang mga barrier method sa contraception, gaya ng mga condom, ay rekomendado. Huwag magpasuso habang gumagamit ng gamot na ito. ...