Havrix

GlaxoSmithKline | Havrix (Medication)

Desc:

Ang Havrix ay isang bakuna sa hepatitis A. Ang Hepatitis ay isang seryosong sakit na dulot ng isang virus. Kumakalat ang Hepatitis A sa pamamagitan ng pagdikit sa dumi (bowel movement) ng isang taong may hepatitis A virus. Madalas itong mangyari sa pagkain ng pagkain o pag-inom ng tubig na nakontamina dulot ng paghahawak ng isang taong may impeksyon. Ang hepatitis ay nagdudulot ng pamamaga ng atay, pagsusuka, at jaundice (paninilaw ng balat o mga mata). Ang hepatitis ay maaaring magdulot ng kanser sa atay, cirrhosis, o kamatayan. Ang bakunang Havrix para sa mga adulto ay ginagamit na pantulong na maka-iwas sa sakit na ito sa mga adulto. Ang bakuna ay gumagana sa pamamagitan ng paghahantad sa iyo ng maliit na porsyento ng virus na nagbibigay naman sa iyong katawan ngresistensya sa sakit. Ang havrix ay hindi lunas sa aktibong impeksyon na nangyari na sa katawan. ...


Side Effect:

Ang iilan sa mga side effect na maaring mangyari matapos gamitin ang gamot na ito ay ang mga sumusunod:pananakit/pamumula/pamamaga sa pinagturukan ng ineksyon, lagnat, pagkapagod, pananakit ng ulo, pagduduwal at pagkawala ng ganang kumain. Kung alinman dito ay tumagal o lumala, sabihin kaagad sa doktor mo o pharmacist. Sabihin din kaagad sa iyong doktor kaagad kung ang mga seizure, isang seryosong side effect ay mangyari. Bihira ang pagkakaroon ng isang seryosong allergic reaction sa gamoit na ito. Ngunit, humanap kaagad ng medikal na atensyon kung mapansin ang alinman sa mga sintomas ng seryosong allergic reaction gaya ng:pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, mahirap na paghinga. ...


Precaution:

Ang Havrix ay hindi proteksyon laban sa impeksyong dala ng hepatitis B, C, at E. o ibang mga virus na nakakaapekto sa atay. Hindi rin ito proteksyon sa hepatitis A kung may impeksyon ka na ng virus kahit na hindi ka pa nagpapakita ng mga sintomas. Makakatanggap ka ng 2 magkahiwalay na turok ng havrix sa pagitan ng 6 na buwan kada turok, depende sa iyong pagkahantad o panganib sa impeksyon. Ang mga bata ay dapat masimulang maturukan ng Havrix sa pagitan ng edad na 12 buwan at 23 buwan. Ang pagpapabakuna ng havrix para sa mga adulto ay rekomendado para sa mga adultong nagbabyahe sa mga lugar sa daigdig kung saan talamak ang hepatitis A. Ang ibang salik sa pagkakaroon ng hepatitis ay ang mga sumusunod:pagiging lalaking homosekswal, may chronic liver disease; paggamit ng drogang intravenous (IV); tumatanggap ng gamutan sa hemophilia o ibang sakit sa pagdurugo; pagtatrabaho sa research laboratory o may kasamang mga hayop (lalo ang unggoy) kung saan nahahantad sa virus ng hepatitis A; o nasa lugar kung saan nagkaroon na outbreak ng hepatitis A. Siguruhing matanggap mo ang lahat ng rekomendadong mga dose ng Havrix. Kung hindi mo matanggap ang buong serye ng mga bakuna, maaring hindi ka maging lubusang protektado laban sa sakit. Maaari ka pating tumanggap ng bakuna kahit meron kang sipon o lagnat. Sa kaso ng pagkakaroon ng mas malalang sakit na may kasamang lagnat o anumang klase ng impeksyon maghintay na gumaling ka bago tumanggap ng Havrix. Hindi ka dapat tumanggap ng susunod na bakuna kung meron kang allergic reaction matapos ang una mong turok ng bakuna. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».