Hectorol
Shire | Hectorol (Medication)
Desc:
Ang mga kapsula at ineksyon ng Hectorol/doxercalciferol ay isang preskripsyong hormone na vitamin D na isang lunas sa mga pasyenteng may secondary hyperparathyroidism na may Stage 3 o Stage 4 na chronic kidney disease (mga kapsula) at sa mga pasyenteng may chronic kidney disease na sumasailalim sa dialysis (mga kapsula at ineksyon). ...
Side Effect:
Ang mga karaniwang side effect na nakikita sa mga pasyenteng ginagamot gamit ang hectorol na hindi sumasailalim sa dialysis (bago-magdialysis) ay impeksyon, pananakit ng dibdib, konstipasyon, hirap sa pagtunaw ng kinain, anemia, dehydration, depresyon, tensyon sa kasu-kasuan, hirap sa pagtulog, tusok-tusok na pakiramdam, pag-ubo, maikling paghinga, at paguuhog. Ang mga karaniwang side effect na nakikita sa mga pasyenteng ginagamot gamot ang hectorol na sumasailalim naman sa dialysis ay pananakit ng ulo, masamang pakiramdam, mabagal na tibok ng puso, pagduduwal/pagsusuka, pamamaga, pagkahilo, maikling paghinga, at pangangati. Isa sa mga pangunahing side effect ng gamutan gamit ang hectorol ay ang hypercalcemia. Sabihin sa iyong doktor kung nakakaranas ng mga sintomas ng hypercalcemia, gaya ng pagduduwal, pagsusuka, konstipasyon, walang ganang kumain, at pagkauhaw. Humanap kaagad ng medikal na atesyon kung makaranas ng alinman sa mga sintomas ng serysong allergic reaction gaya ng:pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, mahirap na paghinga. ...
Precaution:
Hindi ka dapat gumamit ng hectorol kung meron kang kasaysayan ng pagkakaroon ng sobrang taas na lebel ng calcium sa iyong dugo (hypercalcemia) o lung ikaw ay may mataas na lebel ng bitamina D. Bago gumamit ng hectorol, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung nagkaroon ka nang iregular na tibok ng puso o seizure, o kung gumagamit ka ng anumang drogang digitalis. Huwag gumamit ng ibang gamot na may kinalaman sa bitamina D kung ikaw ay kasalukuyang gumagamit ng Hectorol. Importanteng ipakipag-usap ng mga gumagamit ng hectorol sa kanilang doktor bago gumamit ng mga gamot na non-prescription o mga antacid na may magnesium, at sumunod sa mga instruksyon tungkol sa low phosphorus na diyeta at calcium supplementation. Ang hectorol ay makukuha lang sa pamamagitan ng preskripsyon. Hindi rekomendado na gamitin ang gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso nang walang abiso galing sa iyong doktor. ...