Hemocyte - C

US Pharmaceutical Corporation | Hemocyte - C (Medication)

Desc:

Ang Hemocyte-C ay isang kombinasyong gamot na ginagamit bilang dietary supplement na pang-iwas o lunas sa iron deficiency anemia. Ang Iton ay isang mineral na kailangan ng katawan sa paggawa ng pulang selyula ng dugo. Kapag ang katawan ay hindi nakakatanggap ng sapat na iron, hindi ito makakagawa ng normal na bilang ng pulang selyula ng dugo na kailangan sa pagpapanatili ng iyong mabuting kalusugan. Ang kondisyong ito ay tinatawag na iron deficiency (kakulangan sa iron) o iron deficiency anemia. Ang ascorbic acid (Bitamina C) ay nagpapaganda ng pagtanggap ng iron mula sa sikmura. ...


Side Effect:

Tumawag sa iyong doktor kung makaranas ka ng mga seryosong side effect gaya ng:matingkad na pulang dugo sa iyong dumi; pananakit ng iyong dibdib o lalamunan kapag lumumunok ng tabletang ferrous fumarate. Eto ang mga hindi naman gaanong seryosong mga side effect:konstipasyon, diarrhea, pagduduwal, pagsusuka, heartburn; pananakit ng sikmura, masamang timpla ng tiyan; itim o maitim na kulay na dumi o ihi; pansamantalang pagdumi ng ngipin; pananakit ng ulo; o hindi kaaya-ayang lasa sa iyong bibig. Humanap kaagad ng medikal na atensyon kung makaranas ng alinman sa mga sintomas ng serysong allergic reaction:hives; hirap sa paghinga; pamamaga ng iyong mukha, mga labi, dila, o lalamunan. ...


Precaution:

Huwag gumamit ng ferrous sulfate (iron) nang hindi kumukunsulta sa iyong doktor kungmeron kang:mga ulcer, colitis, mga sakit sa bituka. Kung ang partikular na brand ng iron supplement ay may folic acid, sabihin sa iyong doktor o pharmacist kung meron kang kakulangan sa bitamina B12 (pernicious anemia) bago gumamit nito. Dahil ang ferrous sulfate ay maaaring magdulot ng maling resulta sa mga pagsusuri sa dugo sa mga dumi, sabihin sa doktor o laboratory personnel na ikaw ay umiinom ng ferrous sulfate. Ang itlog at gatas ay nakakabawas ng iron absorption. Ang kape at tsaa na ininom matapos ang 1 oras na pagkain ay maaaring makabawas din ng iron absorption. Ang aksidenteng pagka-overdose ng mga produktong may iron ay maaaring sobrang mapanganib o nakamamatay. Ilayo ang gamot na ito sa mga bata. Kung ma-overdose, tumawag sa doktor o poison control kaagad. Hindi nirerekomenda na gumamit ng gamot na ito nang walang abiso galing sa iyong doktor habang nagdadalang-tao o nagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».