Heparin - injection

Sanofi-Aventis | Heparin - injection (Medication)

Desc:

Ang heparin ay isang anticoagulant (pampaimpis ng dugo) na pang-iwas sa pamumuo ng dugo. Ang Heparin ay ginagamit na panlunas at pang-iwas sa pamumuo ng dugo sa mga daluyan ng dugo, artery, o baga. Ang heparin ay gingamit din bago ang surgery nang makaiwas sa panganib ng pamumuo ng dugo. Ang inkesyon na heparin ay hindi dapat gamiting panlinis sa isang intravenous (IV) catheter. Ang hiwalay na produkto ay maaaring gamitin bilang catheter lock flush. ...


Side Effect:

Katamtamang pananakit/pamumula/ iritasyon sa lugar na pinagturukan ay maaaring mangyari. Kung alinman sa mga epektong ito ay magtagal o lumala, sabihin kaagad sa iyong health care provider. Maraming taong gumagamit ng gamot na ito ay hindi nagkakaroon ng seryosong mga side effect. Sabihin sa iyong doktor kaagad kung magkaroon ka ng anumang seryosong mga side effect, gaya ng: pamamaga sa lugar ng pinagturukan ng ineksyon, pananakit ng buto, o madaling mabaling mga buto. Ang gamot na ito ay maaaring magdala ng pagdurugo kung mayroon itong sobrang epekto sa iyong dugo. Sabihin sa iyong doktor kung magkaroon ka ng anumang senyales ng seryosong pagdurugo, gaya ng hindi natural na pananakit/pamamaga/hindi komportableng pakiramdam, nagtatagal na pagdurugo sa mga sugat o gums, nagtatagal na pagudurugo ng ilong, hindi natural na malakas na pagreregla, hindi natural/madaling pagkakaroon ng pasa, maitim na ihi, maitim na dumi, matinding pananakit ng ulo, hindi natural na pagkahilo. Ang iilang mga pasyente ay may masamang reaksyon sa heparin (heparin-induced thrombocytopenia-HIT o heparin-induced thrombocytopenia and thrombosis-HITT). Ito ay maaring mangyari habang nagdaraan sa gamutan at hanggang sa iilang mga linggo matapos ang gamutan matapos itigil ang paggamit ng heparin. Humanap kaagad ng medikal na tulong kung alinman sa mga bibihira pero sobrang malalang mga side effect ay mangyari:pananakit/pagkamanhid ng mga braso/hita, pagbabago ng kulay ng mga braso/hita, pananakit ng dibdib, hirap sa paghinga, pagkalito, panghihina ng isang parte ng katawan, utal-utal na pananalita, pagbabago ng paningin. Ang sobrang malalang allergic reaction sa gamot na ito ay bibihira. ...


Precaution:

Ang ineksyong heparin ay hindi dapat gamiting panlinis ng intravenous (IV) catheter. Ang hiwalay na produktong heparin ay maaaring gamitin bilang catheter lock flush. Hindi mo dapat gamitin ito kung meron kang allergy sa heparin, o kung meron kang di-makontrol na pagdurugo o sobrang pagkukulang sa mga platelet sa iyong dugo. Bago gumamit ng heparin, sabihin sa iyong doktor kung meron kang altpresyon, impeksyong may kinalaman sa iyong puso, hemophilia o ibang sakit sa pagdurugo, sakit sa sikmura o bituka, sakit sa atay, o kung ikaw ay nasa buwanang dalaw. Ang heparin ay maaaring magdulot ng pagdurugo habang ginagamit mo ito at iilang linggo matapos itigil ang paggamit nito. Tumawag sa iyong doktor kaagad kung makaranas ng madaling pagkakaroon ng pasa o hindi natural na pagudurgo, gaya ng pagdurugo ng ilong, maitim o kulay dugo na mga dumi, o pagdurugo na hindi mahinto. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».