Hiprex

3M Pharmaceuticals | Hiprex (Medication)

Desc:

Ang mga tableta ng Hiprex ay may lamang aktibong sangkap na methenamine hippurate na isang antibioti na ginagamit na panglunas at pang-iwas sa mga urinary tract infection. Ang methenamine ay pumapatay sa bakterya sa daluyan ng ihi. Inumin ang ang gamot na ito may kasamang punong baso ng tubig, meron o walang kasamang pagkain, gaya ng iniutos ng iyong doktor. Ang dosage ay nakabase sa iyong medikal na kondisyon at epekto nito sa gamutan. ...


Side Effect:

Gaya ng anumang gamot, ang mga side effect ay maaaring maganap. Kadalasan, ang Hiprex ay nagdudulot ng mga sumusunod na mga side effect:pagduduwal o masamang timpla ng sikmura; walang ganang kumain; o pamamantal ng balat. Patuluyang uminom ng gamot na ito, pero kung sakaling tumagal o lumala ang mga ito, tawagan ang iyong doktor. Ang mas malalang mga side effect ay gaya ng:allergic reaction—pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o hives; pananakit ng likod o gilid; dugo sa ihi; o pananakit o hirap sa pagihi. Kung mapansin mo ang alinman sa mga ito, o ibang kakaibang mga sintomas, humanap kaagad ng medikal na tulong. ...


Precaution:

Bago gumamit ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung meron kang anumang mga allergy, o kung ikaw ay gumagamit ng ibang mga gamot o kung ikaw ay meron o nakaranas na ng anumang sakit lalo na ng problema sa atay, bato, gout, matinding dehydration, o mataas na lebel ng asido sa dugo (metabolic acidosis). Hindi rekomendado na gamitin ang gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso nang walang abiso galing sa iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».