Amantadine
Unknown / Multiple | Amantadine (Medication)
Desc:
Ang Amantadine ay ginagamit upang gamutin ang sakit ni Parkinson at mga kondisyong katulad sa sakit ni Parkinson. Ito rin ay ginagamit upang pigilan at gamutin ang mga inpeksyong pangrespiratoryo na sanhi ng influenza A na mikrobyo. Ang medikasyong ito ay minsang pinipreskriba para sa ibang mga paggamit; tanungin ang iyong doktor o parmaseutiko para sa mas maraming impormasyon. Kung ikaw ay nahawaan ng trangkaso, ang medikasyong ito ay maaaring makatulong gawin ang iyongmga sintomas ng hindi masyadong matindi at paikliin ang oras hanggang sa gumaling ka. Ang paggamit ng Amantadine kung ikaw ay nababad o mababad sa trangkaso ay maaaring tulungan kang pigilan sa pagkakaroon ng trangkaso. Ang medikasyong ito ay isang pangontra sa mikrobyo (hindi bakuna) na pinaniniwalaang gumagawa sa pamamagitan ng pagpapahinto sa paglaki ng mikrobyo ng trangkaso. Upang taasan ang tiyansa na hindi ka makakakuha ng trangkaso, mahalagang magkaroon ng flu shot isang beses sa isang araw sa simula ng kada panahon ng trangkaso, kung posible. ...
Side Effect:
Kung ikaw ay mayroong alinman sa mga senyales ng reaksyong alerdyi: pamamantal; hirap sa paghinga; pamamaga ng iyong mukha, labi, dila, o lalamunan, dapat kang humingi ng agarang tulong medikal. Kontakin ang iyong doktor kung alinman sa mga seryosong epektong ito: pakiramdam ng pagkakapos ng hininga, kahit mayroong malumanay na pagpipilit; pamamaga, mabilis na pagbigat; pakiramdam na may depresyon, balisa, o agresibo; mga pagbabago sa gawi, halusinasyon, mga kaisipan ng pananakit sa iyong sarili; pag-ihi ng mas kaunti kaysan sa karaniwan o wala talaga; mataas na lagnat, matigas na mga kalamnan, pagkalito, pamamawis, mabilis o hindi pantay na mga tibok ng puso, mabilis na paghinga, pakiramdam na parang mahihimatay; walang kapahingahang kalamnan sa iyong mga mata, dila, panga, o leeg; o pangangatog. ...
Precaution:
Bago gamitin ang amantadine, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay hindi hiyang sa kahit anong hindi aktibong mga sangkap ng amantadine o sa rimantadine. Kausapin ang iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay mayroong kahit anong mga alerhiya. Sabihin sa iyong doktor o parmaseutik ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng pamamaga ng mga braso/binti (peripheral na edema), mga problema sa puso (halimbawa, kondyestib na pagpapalya ng puso), mga problema sa presyon ng dugo (halimbawa, pagkahilo kapag tumatayo), sakit sa bato, sakit sa atay, mga kondisyon sa kaisipan/kalooban (halimbawa, depresyon, sikosis), mga sumpong, ilang kondisyon ng balat (eksematoyd na dermataitis). Ang medikasyong ito ay hindi dapat gamitin kung ikaw ay mayroong ilang kondisyong medikal. Bago gamitin ang gamot na ito, konsultahin ang iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay mayroong: ilang uri ng sakit sa mata (hindi nagamot na closed-angle na glawkoma). Ang amantadine ay dapat na ihinto agad sa mga pasyenteng mayroong sakit ni Parkinson dahil ang kaunting mga pasyente ay nakaranas ng krisis na parkinsonian (isang biglang markadong klinikal na deteryorasyon, kung ang medikasyong ito ay bigla ihihinto). Ang dosis ng mga anticholinergic na mga gamot o ng amantadine ay dapat na bawasan kung ang mga parang atropine na mga epekto ay lumitaw kapag ang gamot na ito ay ginamit ng sabay. Ang biglang paghinto ay maaari ring makabuo ng mga kahibangan, agitasyon, delusyon, halusinasyon, reaksyong paranoyd, kawalang malay, pagkabalisa, depresyon at paputol-putol na pananalita. ...