Histrelin - injection
Endo Pharmaceuticals | Histrelin - injection (Medication)
Desc:
Ang Histrelin ay ginagamit na lunas sa mga sintomas na konektado sa advanced prostate cancer. Ang histrelin ay ginagamit din na lunas sa Central Precocious Puberty (CPP; isang kondisyong nagdudulot sa mga bata na makaranas ng puberty nang mas maaga, na nagreresulta ng mabilis na paglaki ng mga buto at pagbabago sa mga sekswal na katangian nila) sa mga babaeng nasa edad 2 at 8 at sa mga lalaking nasa edad 2 at 9. Ang histrelin implant ay kabilang sa mga gamot na tinatawag na mga gonadotropin-releasing hormone (GnRH) agonist. Pinapababa nito ang ilang mga hormone sa katawan. ...
Side Effect:
Sabihin sa iyong doktor kung ang anuman sa mga sintomas na ito ay malala o hindi nawalala:masamang timpla ng sikmura, pananakit ng tiyan, pagsusuka, diarrhea, kaunting pagreregla, pag-ubo, pagbabago sa paningin, mood swings, mainit na pakiramdam, iritasyon, pamamaga, at pangangati sa lugar ng pinagturukan ng ineksyon. Ang mga side effect sa histrelin ay karaniwan. Kung makaranas ka ng alinman sa mga sumusunod na mga sintomas, humanap kaagad ng medikal na atensyon:pamamantal ng balat, hives, mabilis na tibok ng puso, hirap sa paglunok o paghinga, pamamaga ng mukha, leeg, talukap ng mata, o mga labi, kawalan ng malay. ...
Precaution:
Bago gumamit ng histrelin, sabihin sa iyong doktor o phramacist kung ikaw ay may allergy sa histrelin o anumang mga gamot. Sabihin sa iyong healthcare provider ang tungkol sa mga preskripsyon at di-preskripsyong gamot na ginagamit mo, kasama na ang mga bitamina o herbal na produkto. Hindi rekomendado na gamitin ang gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso nang walang abiso galing sa iyong doktor. ...