Hivid

Roche | Hivid (Medication)

Desc:

Ang Hivid ay lunas sa impeksyong dala ng HIV. Ito ay ginagamit na kasama ang ibang mga gamot. Ang hivid ay isang nucleoside reverse transcriptase inhibitor. Gumagana ito sa pamamagitan ng paghihinto sa paglala ng HIV. Ang hivid ay isang brand ng zalcitabine, isang sintetikong pyrimidine nucleoside analogue na aktibong lumalaban sa human immunodeficiency virus (HIV). Ang hivid/zalcitabine ay maaaring inumin bilang tableta sa lakas ng 0. 375 mg at 0. 750 mg. ...


Side Effect:

Ang gamot na ito ay maaaring magdala ng masamang timpla ng sikmura, singaw sa bibig, diarrhea, pamamantal, pananakit ng ulo, pagkapagod o lagnat sa loob ng unang ilang araw ng paggamit habang ang iyong katawan ay nag-aadjust sa gamot. Kung alinman sa mga sintomas na ito ay magtagal o lumala, saibihan ang iyong doktor. Ipagbigay-alam sa iyong doktor kung nakakaranas ka ng:pamamanhid/tusok-tusok na pakiramdam/paghapdi/pananakit ng mga braso at binti, matinding pananakit ng tiyan o heartburn, pagduduwal, pagsusuka, sore throat, pamamantal ng balat, masakit na paglunok, mabilis o hirap sa paghinga, maitim na ihi, paninilaw ng mga mata o balat, pananakit ng mga kasu-kasuan. Ang gamot na ito ay maaaring makaapekto sa dugo na nagdadala ng matinding anemia o mababang bilang ng mga selyula ng dugo na nangangailangan ng pagpapasalin. ...


Precaution:

Hayaang malaman ng iyong healthcare provider kung meron kang anumang mga senyales ng pacreactitis. Bibihira, ang hivid at nagdudulot ng lactic acidosis at hepatic steatosis. Ang mga medikal na kondisyong ito ay dulot ng pinsala sa atay at maaaring delikado. Ikaw ay may mataas na panganib sa mga kondisyong ito, kung ikaw ay mayroong sakit sa atay. Ang hivid ay maaaring magdulot ng mga nerve problem (kilala bilang peripheral neuropathy). Kadalasan, ang mga nerve problem ay nagdadala ng mga kakaibang pakiramdam, gaya ng pamamanhid, paghapdi, o tusok-tusok na pakiramdam. Siguraduhing alam ng iyong healthcare provider kung nagkaroon ka ng mga nerve problem. Ang hivid ay maaaring magdala ng singaw sa bibig o lalamunan. Kung ang mga singaw ay naging malala at maaaring makahadlang sa pagkain mo nang maayos. Ipaalam sa iyong healthcrae provider kung magkaroon ka ng malalang singaw sa bibig o lalamunan. Mayroong mga ulat na ang mga taong gumagamit ng Hivd ay nagkaroon ng congestive heart failure (CHF). Kung meron ka nang CHF, posibleng mapalala ito ng hivid. Ang hivid ay lumalabas na nagpapataas ng panganib ng pagkakaroon ng lymphoma (isang uri ng kanser). Ipagbigay-alam sa iyong healthcare provider kung nagkakaroon ka ng hindi-masakit na pamamaga sa iyong leeg, kili-kili, o singit (na maaaring isang sintomas ng lymphoma). Ang mga bato ay tumutulong na alisin ang hivid sa katawan. Kung ikaw ay may sakit sa bato, baka kailanganin kang imonitor ng iyong healthcare provider at magrekomenda ng mas mababang dosage ng Hivid. Maaaring baguhin ng hivid ang iyong fat distribution sa katawan. Maaari kang tumabas sa mga lugar na hindi naman tipikal sa iyo gaya ng tiyan o sa iyong batok (buffalo hump), at maaaring pumayat sa ibang parte. Hindi rekomendado na gamitin ang gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso nang walang abiso galing sa iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».