Horse chestnut
Sandoz Limited | Horse chestnut (Medication)
Desc:
Ang paggamit ng horse chestnut sa kultural at tradisyonal na konteksto ay maaaring magkaibaa sa mga konseptong tinatanggap ng modernong Western medicine. Kapag pinag-iisipang gumamit ng mga herbal supplement, nirerekomenda ang pagkonsulta sa isang healthcare professional. Ang horse chestnut ay iniinom nang malunasan ang mga sintomas ng pagkapagod, at pananakit, pulikat sa gabi, pangangati at pamamaga ng mga binti. ...
Side Effect:
Ang mga produktong gawa sa horse chestnut ay maaaring magdala minsan ng mga side effect gaya ng pagkahilo, pananakit ng ulo, pagsama ng timpla ng tiyan, at pangangati. Ang pollen mula sa bulaklak ng horse chestnut ay maaaring magdulot ng mga allergic reaction. Ang paggamit ng chestnut sa pamamagitan ng rectal (suppository) ay maaaring magdala ng pamamaga at pangangati ng puwit. Ang ineksyong Intravenous ng mga katas ng buto ng horse chestnut naman ay maaaring magdala ng pinsala sa bato at atay. Ang hilaw na buto, balat ng punongkahoy, bulaklak, at dahon ng horse chestnut ay hindi ligtas at nakakalason kapag kinain. Ang kamatayan ay maaaring mangyari. Kasama sa mga senyales ng pagkalason ang pagsama ng timpla ng tiyan, problema sa bato, panginginig ng kalamnan, panghihina, pagkawala ng koordinasyon, panlalaki ng itim ng mga mata, pagsusuka, diarrhea, depresyon, paralisis, at pagkawala ng malay. Ang hindi sinasadyang pagkain ng horse chestnut ay nangangailangan ng agarang medikal na atensyon. Ang mga bata ay maaaring malason sa pag-inom ng tsaa mula sa katas ng mga dahon at tangkay o pagkain ng mga buto. Ang horse chestnut ay maaaring magpababa ng blood sugar. Kung ikaw ay may diabetes, bantayan ang mga senyales ng sobrang pagbaba ng blood sugar (hypoglycemia) at suriing maingat ang iyong blood sugar. ...
Precaution:
Huwag gumamit ng horse chestnut nang hindi muna nakikipag-usap sa iyong doktor kung ikaw ay may kasaysayan ng pamumuo ng dugo, colitism o ibang sakit sa tiyan o bituka, diyabetis, sakit sa puso, mababang presyon ng dugo, o mahinang sirkulasyon ng dugo. Huwag gumamit ng aspirin o nonsteroidal anti-inflammatory drugs (NSAIDs) gaya ng ibuprofen (Motrin, Advil, iba pa), naproxen (Aleve, iba pa), o ketoprofen (Orudis KT, iba pa) habang gumagamit ng horse chestnut. ang mga gamot na ito ay maaaring magpataas ng panganib ng pagdurugo habang gumagamit ng horse chestnut. Ang lahat ng potensyal na panganib at/o bentaha ng horse chestnut ay baka hindi pa alam. Karagdagan pa, walang lugar ng regulasyon at standard na nilalagay sa mga compound na ito. May mga kasong kung saan ang mga herbal/health supplement ay kontaminado ng mga nakalalasong metal o ibang droga. Ang mga herbal/health supplement ay dapat bilhin sa mapagkakatiwalaang source nang mabawasan ang panganib ng kontaminasyon. ...