Humatin
Pfizer | Humatin (Medication)
Desc:
Ang humatin/paromomycin, ay isang klase ng mga droga na tinatawag na aminoglycoside antibiotic. Ang gamot na ito ay ginagamit na panlunas sa iilang mga impeksyong dulot ng parasito sa mga bituka na tinatawag na amebiasis. Ang humatin ay maaari ring gamitin kasama ng espesyal na diyeta para malunasan ang seryosong problema sa utak na alam sa pangalang hepatic encephalopathy. Inumin ito na may kasamang pagkain, kadalasang tatlong beses kada araw, o gaya ng iniutos ng iyong doktor para sa iyong kondisyon. Ang dosage ay nakabatay sa iyong medikal na kondisyon at epekto nito sa iyo. Huwag taasaan ang dose o dalas nang walang abiso ng iyong doktor. Ang humatin/paromomycin, ay isang klase ng mga droga na tinatawag na aminoglycoside antibiotic. Ang gamot na ito ay ginagamit na panlunas sa iilang mga impeksyong dulot ng parasito sa mga bituka na tinatawag na amebiasis. Ang humatin ay maaari ring gamitin kasama ng espesyal na diyeta para malunasan ang seryosong problema sa utak na alam sa pangalang hepatic encephalopathy. Inumin ito na may kasamang pagkain, kadalasang tatlong beses kada araw, o gaya ng iniutos ng iyong doktor para sa iyong kondisyon. Ang dosage ay nakabatay sa iyong medikal na kondisyon at epekto nito sa iyo. Huwag taasaan ang dose o dalas nang walang abiso ng iyong doktor. ...
Side Effect:
Kadalasan ang humatin ay nagdudulot ng pagduduwal, pagsusuka, pagkawala ng ganang kumain, cramps sa sikmura, diarrhea, at heartburn. Kung alinman sa mga ito ang magtagal o lumala, tumawag sa iyong doktor. Ang mas bihira pero malalang mga side effect ay gaya ng:pag-ugong ng iyong tainga, pagkawala ng pandinig, pagbabago sa dami ng iyong ihi, pagkahilo, pamamanhid o pagkadama ng tusok-tusok sa balat, pananakit ng ulo, mga seizure, panghihina ng kalamnan, oral thrust o bagong vaginal yeast infection. Kung mapansin mo ang alinman sa mga ito, humanap kaaagad ng medikal na atensyon. Ang isang allergic reaction ay bibihira pero kumuha ng medikal na tulong kung sakaling maganap ang mga sumusunod:pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o hives. ...
Precaution:
Bago gumamit ng gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung meron kang anumang mga allergy, o kung ikaw ay gumagamit ng ibang mga gamot at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon na ng anumang karamdaman, lalo na ng problema sa bituka gaya ng pagbabara, ulcer. Dahil ang Humatin ay nagdudulot ng pagkahilo at pagkaantok huwag magmaneho at gumamit ng makinarya hanggang masiguro mong magagawa mo ang mga ito nang ligtas. Hindi rekomendado na gamitin ang gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso nang walang abiso galing sa iyong doktor. ...