Amaryl

Sanofi-Aventis | Amaryl (Medication)

Desc:

Ang Amaryl, pangkalahatang kilala bilang glimepiride ay isang pambibig na gamot para sa dyabetis na kumukontrol sa mga lebel ng asukal sa dugo. Ang medikasyong ito ay tumutulong sa iyong katawan upang tumugon ng mas maayos sa mga insulin na pinuprodyus ng mga pangkreya. Para sa mga pinakamagandang resulta, ang Amaryl ay ginagamit kasama ng mga espesyal na diyeta at ehersisyo. Ang medikasyong ito ay iniinom gamit ang bibig araw-araw, ng may almusal o unang pagkain sa araw, eksaktong gaya ng sinabi ng iyong doktor na gawin mo. ...


Side Effect:

Katulad ng kahit anong gamot, ang mga epekto ay pwedeng mangyari. Ang pinakakaraniwang epekto ay may kasamang pagduduwal o pag-iiba ng tiyan. Kung ang mga ito ay tumagal o lumala, tawagan ang iyong doktor. Ang ibang mga seryosong epekto, na nangangailangan ng agarang tulong medikal ay ang: paninilaw ng mga mata o balat, sakit ng tiyan, ihing madilim ang kulay, hindi pangkaraniwang pagkapagod o panghihina, madaling pagdurugo o pagpapasa, mga senyales ng inpeksyon tulad ng lagnat, tumatagal na pamamaga ng lalamunan, mga pagbabagong pangkaisipan, hindi karaniwan o biglang pagbigat, o sumpong. Ang Amaryl ay pwedeng magsanhi ng haypoglaysemya kung ikaw ay hindi kumukonsumo ng sapat na mga kaloriya. ...


Precaution:

Bago gamitin ang Amaryl, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay hindi hiyang dito , sa mga sangkap nito , o kung ikaw ay may kahit anong uri ng mga alerhiya. Sabihin rin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng alinman sa mga sumusunod na mga kondisyon: sakit sa puso; sakit sa atay o bato; alerhiya sa gamot na sulfa; kakulangan sa ensaym; mga problema sa mga glandulang pangbato o pitwitaryo; o kung ikaw ay may malnutrisyon. Ipabatid sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng kahit anong ibang gamot. Dahil ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Ang alak ay ipinagbabawal. Iwasan ang matagal na pagkababad sa araw, pangungulting kubol o mga ilaw na araw. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».