Hydralazine - reserpine - hctz - oral

Teva Pharmaceutical Industries | Hydralazine - reserpine - hctz - oral (Medication)

Desc:

Ang kombinasyong ito ng Reserpine, hydralazine, at hydrocholorothiazide ay ginagamit na panlunas sa altapresyon, na kilala bilang hypertension. Ang Reserpin ay kumokontrol sa nerve impulses kasama na ang iilang nerve pathways, Ang hydrazaline ay nagpapaluwag ng mga daluyan ng dugo at nagdaragdag ng suplay ng dugo patungo sa puso, at ang hydrocholorothiazide ay isang diuretic na tumutulong na makabawas sa dami ng tubig sa katawan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng daloy ng ihi. ...


Side Effect:

Gaya ng anumang gamot, ang mga side effect ay maaaring mangyari. Kung alinaman sa mga sumusunod ang magtagal o lumala, tumawag sa iyong doktor: pagkahilo, pagkaantok, pananakit ng ulo, diarrhea, pagbabara ng ilong, konstipastyon, pagkawala ng ganang kumain, pamumula, pagkapagod, nananuyong bibig, pagtaas ng timbang, anxiety, pagkanerbiyos, mga pananaginip, mga bangungot, mababang sekswal na kagustuhan o abilidad, hirap sa pag-ihi, o pagdaragdag ng pagiging sensitibo sa araw. Mas bihira pero mas malalang side effect ay: pananakit ng dibdib, mabilis ng pulso, hirap sa paghinga, pamamantal ng balat, pamimintig ng mga kamay o mga paa, pagbabago sa mood, depresyon, matinding lagay ng tiyan, jaundice, pananakit ng kalamnan o kasukasuan, pagbabago sa dami ng ihi. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung meron kang anumang uri ng allergy. Ipagbigay-alam sa iyong doktor kung gumagamit ka ng ibang gamot o kung meron ka o nagkaroon ka ng mga sumusunod: sakit sa bato, sakit sa puso, mga sakit sa dugo, o mga problema sa mata. Dahil nagdadala ito ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at huwag gumamit ng mabigat na makinarya hanggang sigurado ka nang magagawa ito nang ligtas. Isa pa, limitahan ang iyong pag-inom ng alak. Ang gamot na ito ay nakakadagdag ng pagiging sensitibo sa araw kaya naman iwasang magbabad sa araw, magsuot ng damit bilang proteksyon at gumamit ng sunscreen cream kapag nasa labas. Hindi rekomendado na gamitin ang gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso nang walang abiso galing sa iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».