Hydrea
Bristol-Myers Squibb | Hydrea (Medication)
Desc:
Ang hydrea/hyroxyurea ay nakakaapekto sa iilang selyula sa katawan, gaya ng cancer cell o sickled red blood cell. Ito ay panlunas sa nagtatagal na myelocyctic leukemia, kanser sa obaryo, at iilang tipo ng kanser sa balat (melanoma at primary squamous cell cancer ng ulo at batok). Ang Hydrea/hydroxyurea ay ginagamit din nang maibsan ang mga pananakit at pangangailangan ng pagsasalin ng dugo sa mga taong may sickle cell anemia. Hindi nito ginagamot ang sickle cell anemia. ...
Side Effect:
May mga side effect din na maaaring mangyari matapos gamitin ang gamot na ito gaya ng pagduduwal, pagsusuka, pagkawala ng ganang kumain, singaw sa bibig, diarrhea, o konstipasyon. Kung alinman sa mga ito ang magtagal o lumala, sabihin sa iyong doktor o pharmacist kaagad. Ang gamot na ito ay nakakabawas ng gana ng bone marrow, isang epektong maaaring magdala ng pagbaba ng bilang ng selyula ng dugo gaya ng mga pulang selyula, puting selyula, at platelet. Ang epektong ito ay maaaring magdala ng anemia, bawasan ang abilidad ng katawan mong lumaban sa impeksyon, o magdulot ng pagpapasa o madaling pagdurugo. Sabihin sa iyong doktor kung kaagad kung magkaroon ka ng mga sumusunod na mga sintomas: senyales ng impeksyon (gaya ng lagnat, panlalamig, nagtatagal na sore throat), madaling pagpapasa/pagdurugo, maputlang balat, hindi natural na pagkapagod. Sabihin sa iyong doktor kung alinman sa mga bihira pero seryosong mga side effect ang mangyari: problema sa balat (gaya ng ulcer, nangingitim/namumulang balat, hindi natural na paglaki ng nunal). Sabihin kaagad sa iyong doktor kung anumang sa mga bibihira pero seryosong side effect ang mangyari: pagbabago sa mood/mental (gaya ng pagkalito, guni-guni), seizure, pagikli ng hininga, pananakit ng dibdib, nagtatagal na pagduduwal/pagsusuka, matinding pananakit ng tiyan/sikmura, maitim na ihi, paninlaw ng balat/mga mata, pamamanhid/pamimitig ng mga braso/binti, pagbabago ng dami ng ihi. Ang sobrang malalang allergic reaction sa gamot na ito ay bibihira. ...
Precaution:
Hindi ka dapat gumamit ng Hydrea kung ikaw ay allergic sa hyroxyurea, o kung ikaw ay may malubhang bone marrow suppression, malalang anemia, HIV o AIDS, sakit sa atay o bato, o kung ikaw ay tumatanggap ng chemotherapy o radiation. Maghugas ng kamay bago at matapos humawak ng kapsula ng Hydrea o ng boteng naglalaman ng pills. Para sa mainam na proteksyon, gumamit ng disposable gloves kapag naghahawak ng pills. Huwag buksan ang kapsula ng Hydrea. Huwag gamitin ang kapsulang aksidenteng nabuksan na. Ang gamot mula sa nabuksang kapsula ay maaaring delikado kapag napunta sa mga mata, bibig, o ilong o sa iyong balat. Kapag nangyari ito, hugasan ang balat ng tubig at sabon o banlawan ang mata ng tubig. Ang Hydrea ay nakakababa ng selyula ng dugo na nakakatulong na lumaban sa impeksyon at tumutulong sa iyong dugo na mamuo. Ang dugo mo ay baka kailanganing masuri nang madalas. Iwasang lumapit sa mga taong may sakit o impeksyon. Iwasan ang mga gawaing nakakadagdag ng pagdurugo. Sabihin sa iyong doktor kaagad kung nagkaroon ka ng mga senyales ng impeksyon. Huwag gumamit ng Hydrea/hydroxyurea kung ikaw ay buntis. Maaaring makasama ito sa sanggol. ...