Hydrocortone

Merck & Co. | Hydrocortone (Medication)

Desc:

Ang hydrocortone ay nagtataglay ng aktibong sangkap ng hydrocortisone. Ito ay nabibilang sa groupo ng mga gamot na corticosteroid na karaniwang ginagamit upang punan ang may hindi sapat na dami ng hormones sa iyong katawan. Ang ibang steroids, kabilang ang hydrocortisone, ay natural na naibibigay ng katawan upang mapanatili ang magandang kalusugan at pamumuhay. Ang hydrocortone ay nirereseta para sa may mga kondisyong tinatawag na adrenocortical insuffeciency. Ang adrenal cortex ay parte ng adrenal glands na matatagpuan malapit sa atay at gumagawa ng hormones na tinatttawag na corticosteroids. Ang adrenal cortex ay hindi gumagawa ng sapat na bilang corticosteroids upang mapanatili ang malakas na katawan. Pinapalitan ng hydrocortisone sa iyong tableta ang natural na steroids na kulang upang mapanatili ang malusog na pangangatawan. Ginagamit ang hydrocortisone upang lunasan ang mga kondisyon tulad ng allergic disorder, lupus, psoriasis, o problema sa paghinga. ...


Side Effect:

Kumonsulta sa iyong doktor kung ikaw ay nakaramdam ng mga sumusunod na side effect: problema sa paningin; pamamaga, mabilis na pagtaas ng timbang, hirap sa paghinga; matinding depresyon, hindi karaniwang ideya at kilos, kombulsyon, madugo at matigas na dumi, pag-ubo na may kasamang dugo; pancreatitis (matinding sakit sa taas na bahagi ng tiyan na umaabot hanggang likod, pagsuka at mabilis na tibok ng puso); mababang potassium (pagkalito, hindi pantay na tibok ng puso, matinding pagkauhaw, malagiang pag-ihi, hindi mapakaling mga binti, paghina ng mga kalamnan at malatang pakiramdam); o mapanganib na mataas na presyon ng dugo (matinding sakit ng ulo, panlalabo ng paningin, hindi pangkaraniwan na tunog sa tainga, hindi mapakali, pagkalito, masakit na dibdib, hirap sa paghinga, hindi patas na tibok ng puso, kombulsyon). HIndi higit na malalang epekto ay binubuo ng: problema sa pagtulog (insomia), pagbabago ng mood, tagihawat, tuyong balat, pagnipis ng balat, pagkakaroon ng pasa, mabagal na paggaling ng sugat; pagsusuka, pagsakit ng tiyan, paglaki ng tiyan; o pagbabago ng hugos o lokasyon ng taba sa katawan (higit na sa kamay, braso, hita, binti, mukha, leeg, dibdib at baiwang). Mangyaring kumonsulta sa iyong doktor kung sakaling makaranas ng mga sumusunod: pantal, pangangati/pamamaga (sa bahagi ng mukha, dila at lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Kumonsulta muna sa iyong doktor bago uminom ng Hydrocortone lalo na kung ikaw ay nakaranas ng atake sa puso, tuberkulosis, problema sa bato at atay, mataas na presyon ng dugo, dyabetis, sakit sa puso, osteoporosis (pagnipis ng buto), glaucoma, myasthenia gravis (sakit na nagpapahina ng kalamnan), problema sa digestiyon at bituka; panghihina ng kalamnan o paggamit ng steroids, impeksyon sa mata na may kasamang herpes virus. Ang paggamit ng produktong ito habang buntis at nagpapasuso ay hindi nirerekomenda maliban na lamang kung ito ay nireseta ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».