Hydrodiuril
Merck & Co. | Hydrodiuril (Medication)
Desc:
Ang Hydrodiuril/hydrochlorothiazide ay isang uri ng thiazide diuretic (water pill) na pumipigil sa iyong katawan na sumipsip ng sonbrang asin na maaring magsanhi ng fluid retention. Ang gamot na ito ay karaniwang ginagamit upang lunasan ang mataas na presyon ng dugo (hypertension) at fluid retension (edema) sa mga taong nakarananas ng congestive heart faailure, cirrhosis sa atay or sakit sa bato, o edema sanhi ng paggamit ng steroids o estrogen. Kinakailangan ng reseta ng doktor upang makabili ng naturang gamot at ito ay dapat lamang inumin ng naaayon sa direksyong binigay ng eksperto. Huwag taasan ang dami o dalasan ang pag-inom nito kung walang pahintulot ng doktor. ...
Side Effect:
Ang Hydrodiuri ay maaring magsanhi ng iba pang epekto tulad ng mga sumusunod: pamumula, pangangati, hirap sa paghinga, paninikip ng dibdib, pamamaga ng labi, dila o mukha; pananakit ng mata, problema sa paningin; pagtuyo ng bibig, pagkauhaw, pagsusuka; panghihina, pagkahilo, pagkapagod; mabilis at pabago-bagong pagtibok ng puso; pagkamanhid o tusok-tusok; mapula, parang paso at pagtuklap ng balat; o pagsusuka, masakit na tiyan, pangangati, pagkawala ng gana sa pagkain, mapulang ihi, matigas na dumi, paninilaw ng balat. Kung sakaling makaranas ng alin man sa mga nabanggit, mangyaring kumonsulta agad sa doktor. Maari ring makaranas ng hindi malubhang epekto tulad ng: pagtatae, hindi malubhang pagsakit tiyan, hirap sa pagdumi o panlalabo ng paningin. Kung ang mga sumusunod ay lumala, tumawag agad sa doktor. ...
Precaution:
Ipagbigay alam sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit na anong alerdyi bago pa man ito gamitin. Sabihin sa iyong doktong kung ikaw ay gumagamit ng iba pang gamot at kung ikaw ay mayroong sakit sa bato at atay; glaucoma; asthma o alerdyi; gota; o diyabetis. Sapagkat ang Hydrodiuril ay maaring magsanhi ng panlalabo ng mata, iwasan ang pagmamaneho at pagpaggamit ng mga mabibigat na makinarya hanggang nakasisiguro na ligtas mo nang magagawa ang mga aktibidad na ito. Ang paggamit ng produktong ito habang buntis at nagpapasuso ay hindi nirerekomenda maliban na lamang kung ito ay nireseta ng doktor. ...