Hydro - Par

BCM | Hydro - Par (Medication)

Desc:

Ang Hydro - Par/hydrochlorothiazide ay isang thiazide diuretic (water pill) na tumutulong sa makaiwas ang katawan mo mula sa pag-absorb ng sobrang asin, na nagdudulot ng fluid retention. Ang hydro-pat ay lunas sa fluid retention (edema) sa mga taong may congestive heart syndrome, cirrhosis sa atay, o sakit sa bato, o edema na dala ng paggamit ng mga steroid o estrogen. Gamot na ito ay lunas din sa altapresyon (hypertension). Ang Hydro- Par/hydrocholorothiazide ay lunas sa sobrang pag-ipon ng fluid at pamamaga ng katawan dala ng pagpalya ng puso, cirrhosis, chronic kidney failure, mga gamot na corticosteroid, at nephrotic syndrome. Ito rin ay ginagamit na mag-isa o kasama ng ibang gamot na nagpapababa ng presyon sa dugo na lunas sa altapresyon. Kahit na ang hydrochlorothiazide ay aprubado na lunas sa edema ng cirrhosis ng atay, ito ay bihirang gamitin dahil sa pagkakaroon ng mas epektibong mga diuretic. Ang Hydro- Par/hydrochlorothiazide ay ginagamit din sa mga batong may calcium na nilalabas ng mga bato mula sa ihi at nagpapabawas sa dami ng calcium sa ihi na bumubuo ng mga bato. ...


Side Effect:

Itigil ang paggamit ng gamot na ito at tumawag sa iyong dotro kung ikaw ay magkaroon ng mga seryosong mga side effect gaya ng: pananakit ng mata, problema sa paningin; nanunuyong bibig, pagkauhaw, pagduduwal o pagsusuka; panghihina, pagkaantok, hindi mapakali, o nahihilo; mabilis o hindi regular na tibok ng puso; pananakit ng kalamnan; pagkamanhid o namimintig na pakiramdam, namamaltos, nagbabalat na balat, pamamantal; o pagduduwal, pananakit ng mataas na bahagi ng sikmura, pangangati, pagkawala ng ganang kumain, maitim na ihi, kulay-putik na dumi, jaundice, konstipasyon, o malabong paningin. Humanap kaagad ng medikal na atensyon kung makaranas ka ng anumang mga sintomas ng seryosong allergic reaction gaya ng: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na ng mukha/dila/lalamunan), malubhang pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Nang makasiguradong ligtas mong magagamit angw Hydro-Par. sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroon ng anuman sa mga ibang kondsiyon: mga sakit sa bato; sakit sa atay; glaucoma; asthma o mga allergy; gout; diyabetis; o allergy sa mga drogang sulfa o penicillin. Hindi rekomendado na gamitin ang gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso nang walang abiso galing sa iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».