Hydroxocobalamin - injectable
Unknown / Multiple | Hydroxocobalamin - injectable (Medication)
Desc:
Ang hydroxocobalamin ay isang klase ng itinuturok na bitamina B12 na ginagamit upang lunasan ang kakulangan sa nasabing klase ng bitamina. Ang bitamina B12 ay tumutulong upang magamit ng iyong katawan ang taba at carbohydrates upang magamit ito bilang enerhiya at sa paggawa ng protina. Mahalaga rin ito sa normal na daloy ng dugo, cells at nerves. Karaniwang nakukuha ang bitamina B12 sa diyeta ngunit ang kakulangan nito ay maaring maganap kung mayroong kondisyon sa kalusugan (mababang nutrisyon, problema sa tiyan at bituka, impeksyon, kanser). Ang seryosong kakulangan sa bitamina B12 ay maaring magresulta sa anemia, problema sa tiyan at nerve damage. ...
Side Effect:
Maaaring makaramdam ng sakit sa lugar na pinagturukan, hindi malalang pagtatae, o pakiramdam na namamanas sa buong katawan. Kung lumala ang alinman sa mga nabanggit, kumonsulta agad sa doktor o pharmacist. Ang medikasyong ito ay maaaring magdulot ng mababang lebel ng potassium sa dugo (hypokalemia). Sumangguni agad sa iyong doktor kung makaranas ng alinman sa mga sumusunod: muscle cramps, panghihina, iregular na pagtibok ng puso. Ang mga taong may di karaniwang na sakit sa dugo (polycythemia vera) ay maaring makaranas ng mga sintomas na nabanggit habang gumagamit ng hydroxocobalamin. Sumangguni sa doktor kung makaranas ng alinman sa mga sumusunod na sintomas: pagsakit ng dibdib (lalo na ang hirap sa paghinga), panghihina sa isang parte ng katawan, panlalabo ng paningin, pag-uutal-tal. Maaring makaranas, ngunit madalang, ng alerdyi sa gamot na ito. Sumangguni sa doktor kung makaranas ng alinman sa mga sumusunod na sintomas ng alerdyi: pantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha, dila , lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. Ito ay hindi kumpletong listahan ng mga maaring maging side effects. ...
Precaution:
Bago gamitin ang produkto, sumangguni muna sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong klase ng alerdyi. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot at kung ikaw ay nakaranas ng alinman sa mga sumusunod: mababang lebel ng potassium, gota, sakit sa mata (Leber's disease), ibang kakulangan sa bitamina. Hindi ito nirerekomenda sa mga buntis at nagpapasuso maliban na lamang kung may pahintulot ng doktor. ...