Hydroxychloroquine

Vion Pharmaceuticals, Inc. | Hydroxychloroquine (Medication)

Desc:

Ang Hydroxychloroquine ay mula sa mga klase ng drogang tinatawag na antimalarials. Ang Hydroxychloroquine ay pang-iwas o panlunas mula sa malaria na dala ng kagat ng lamok. Ang gamot na ito ay kadalasang ginagamit din kasama ng iba pang mga gamot para gamutin ang ilang uri ng mga auto-immune disease gaya ang lupus, o rheumatoid arthritis, kapag ang ibang mga gamot ay hindi umepekto o hindi pwedeng gamitin. Ang preskripsyon-lamang na gamot na ito ay dapat inumin gaya ng inutos ng iyong doktor para sa iyong kondisyon. Ang dosage ay nakabatay sa iyong kondisyon at reaksyon sa gamutan. ...


Side Effect:

Kadalasan, ang Hydroxychloroquine ay nagdudulot ng pananakit ng ulo, pagkahilo, pagkawala ng ganang kumain, pagduduwal, diarrhea, pananakit ng sikmura, pagsusuka o pamamantal. Kung alinman sa mga ito ang magtagal o lumala, tumawag sa iyong doktor. Ang mas malalang mga side effect ay nangangailangan ng agarang medikal na pangangalaga. Ihinto ang paggamit ng gamot na ito kung ang alinman ang mangyari: hirap sa pagbabasa o paningin (mga salita, letra, o parte ng mga bagay ay nawawala). pagiging sensitibo sa ilaw, malabong paningin sa malayo, pagkakita ng mga linya ng ilaw, bleaching o pagkalagas ng buhok, pamimintig ng tainga, panghihina ng kalamnan, pagkaantok, pagbabago ng mood o mental, iregular na tibok ng puso, o kombulsyon. Ang allergy ay bibihira, pero humanap ng medikal na kalinga kung mapansin mo ang mga sumusunod na sintomas: pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o hives. ...


Precaution:

Bago gumamit ng gamot na ito, sabihan ang iyong doktor kung ikaw ay may anumang tipo ng allergy. Sabihan ang iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot at kung ikaw ay nagkaroon o mayroon ng mga sumusunod na kondisyon: pagkadepende sa alak, iilang sakit sa dugo gaya ng porphyria, iilang problemang genetiko, sakit sa bato, sakit sa atay, iilang sakit sa balat gaya ng atopic dermatitis , o psoriasis. Dahil nagdadala ang Hydroxychloroquine ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at huwag gumamit ng mabigat na makinarya hanggang sigurado ka nang magagawa ito nang ligtas. Ang gamot na ito ay nakakadagdag ng pagiging sensitibo sa araw kaya Hindi rekomendado na gamitin ang gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso nang walang abiso galing sa iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».