Hylan G - F 20
BCM | Hylan G - F 20 (Medication)
Desc:
Ang Hylan G-F 20 ay pareho sa synovial fluid, ang likidong pumapalibot sa iyong kasukasuan. Ang gamot na ito ay panlunas sa osteoarthritis sa tuhod matapos ang mga gamot sa arthritis ay nasubukan na at hindi nagtagumpay na maibsan ang mga sintomas. Ang Hylan G-F 20 ay binibigay bilang ineksyon sa iyong tuhod ng isang healthcare professional sa isang ospital o medikal na opisina. ...
Side Effect:
Maliban sa mga kinakailangang mga epekto nito, ang Hylan G-F 20 ay maaaring magdulot ng matitinding mga side effect gaya ng: allergic reaction--pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o hives; matinding pananakit o pamamaga sa palibot ng mga tuhod matapos ng pagtuturok ng ineksyon. Kung mapansin mo ang anuman dito, humanap ng medikal na tulong kaagad. Mga di-gaanong seryosong side effect ay: pag-init ng katawan, pananakit, paninigas, pamamaga kung saan tinurok ang gamot; pananakit ng kalamnan, hirap sa paglalakad; lagnat; panlalamig, pagduduwal, masamang timpla ng sikmura; pamamanhid o namimintig na pakiramdam; pananakit ng ulo; pagkahilo; pagod na pakiramdam; o pangangati o iritasyon sa balat sa palibot ng tuhod. Kung alinman sa mga ito ang magtagal o lumala, tumawag sa iyong doktor. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay may anumang uri ng allergy. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot at kung ikaw ay nagkaroon na ng mga sumusunod na mga kondisyon: impeksyon o sakit sa balat sa palibot ng pinagturukan ng ineksyon, pamumuo ng dugo o problema sa sirkulasyon sa iyong binti; o allergy sa mga ibon, balahibo ng ibon, o produktong gawa sa itlog. Dahil ito ay maaaring magdala ng pagkahilo, huwag magmaneho hanggang sigurado kang magagawa mo ito nang ligtas. Hindi rekomendado na gamitin ang gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso nang walang abiso galing sa iyong doktor. ...