Hyosol SL
BCM | Hyosol SL (Medication)
Desc:
Ang Hyosol SL/hyoscyamine ay ginagamit na panglunas sa iba't ibang karamdaman ng tiyan at bituka gaya ng pangingirot at hindi normal na pagdaloy ng dumi. Ginagamit din ito para sa ibang kundisyon katulad ng problema sa pag-kontrol ng ihi at dumi, kirot dulot ng kidney stones at gallstones, at Parkinson's disease. Dagdag pa, ginagamit din itong pampabawas sa karagdagang epekto sa katawan ng piling medikasyon (tulad ng gamot sa myasthenia gravis) at insecticides. Gumagana ang Hyosol SL sa pamamagitan ng pagpapabagal nito sa produksyon ng asido sa loob ng tiyan, natural na galaw ng bituka, at pagpapakalma sa kalamnan ng maraming organs (hal. , tiyan, bituka, pantog, bato, at apdo). Binabawasan din nito ang produksyon ng iba pang likido mula sa katawan (hal. , laway, pawis). Ang gamot na ito ay kabilang sa uri ng mga drugs na tinatawag na anticholinergics/antispasmodics. ...
Side Effect:
Maaring makaranas ng pagkahilo, pagka-antok, panlalabo ng paningin, panunuyo ng bibig, problema sa paningin, pananakit ng ulo, kakulangan sa pagtulog, hindi pagkadumi, pamumula ng balat, panunuyo ng balat, at pagbawas ng pagpapawis. Kung sakaling magtagal o lumala ang kahit alin sa mga nasabing side effects, ipagbigay alam agad sa iyong doktor o pharmacist. Sabihin din kaagad sa iyong doktor kung mararanasan ang mga sumusunod na seryoso, ngunit hindi karaniwang, side effects: biglaang pagbabago sa mood (hal. , pagkalito, di-maipaliwanag na kagalakan), mabilis/irregular na tibok ng puso, hirap sa pag-ihi, kawalan ng sekswal na kapasidad, hirap sa pagtugon sa paligid, hindi maayos na pagsasalita, pananakit ng mata, at pagsusuka. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Hyosol SL, ipagbigay alam sa iyong healthcare provider kung ikaw ay nakararanas ng allergies at kung nakaranas na ng mga medikal na kundisyon tulad ng: glaucoma (narrow-angle type, untreated open angle type), paglaki ng prostate, bara sa daluyan ng ihi, problema sa tiyan/bituka (hal. , mabagal na pagdaloy ng dumi, bara sa bituka, matinding ulceritive colitis, impeksyon), problema sa puso dahil sa matinding pagdurugo, overactive thyroid, at iba pang sakit sa puso (hal. , coronary heart disease, congestive heart failure, fast heartbeat, arrythmias), high blood pressure, sakit sa bato, pagdanas ng heartburns (hal. , acid reflux, hiatal hernia), mga ispesipikong karamdaman sa nervous system (autonomic neuropathy), myasthenia gravis. Ang mga nagsusuot ng contact lenses ay maaring kailanganing gumamit ng wetting eye drops dahil nakapagpapatuyo ng mata ang gamot na ito. Maari ka ring makaranas ng pagkahilo at antok sa gamot na ito. Huwag magmaneho ng sasakyan, huwag gumamit ng mga makinarya, o gumawa ng mga aktibidad na kailangan ng matalas na pag-iisip o malinaw na bisyon hangga't ikaw ay sigurado nang kaya mo na itong gawin. Iwasan ang mga inumin na may alcohol. Ang gamot na ito ay maaring pataasin ang panganib ng pagkakaroon ng heatstroke dahil pinapabagal nito ang pagpapawis ng katawan. Ang mga nakatatanda ay maaring mas makaranas ng pagkalito at di-mapaliwanag na pagkagalak dahil sa gamot na ito. Hindi rekomendado ang paggamit ng gamot na ito para sa mga nagbubuntis at nagpapa-suso ng bata nang walang payo ng iyong doktor. ...