Hytakerol
Sanofi-Aventis | Hytakerol (Medication)
Desc:
Ang Hytakerol/dihydrotachysterol ay isang uri ng Bitamina D, isang bitaminang fat-soluble na nakatago sa katawan, at mahalaga sa pagbuo ng mga buto. Ang Hytakerol ay ginagamit upang lunasan ang kakulangan ng calcium sa dugo, isang kundisyong tinatawag na hypocalcemia, at kakulangan ng thyroid hormone sa katawan, na tinatawag na hypoparathyroidism. Inumin ang gamot na ito nang naayon sa preskripsyon ng iyong doktor sa iyong kondisyon. ...
Side Effect:
Karaniwan, walang mararanasang side effects sa Hytakerol. Ngunit may mga pagkakataon na maaring makaranas ng panunuyo ng balat; pagbabago sa gawi ng pagdumi; panunuyo ng bibig; at pagkirot ng mga kalamnan. Mga mas seryosong side effects, na kailangan ng atensyong medikal ay: allergic reactions - gaya ng pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o kumpol-kumpol na pantal; pananakit ng buto, matigas na bukol sa ilalim ng balat; mga matang mas sensitibo sa liwanag, pamumula ng mata o pagluha ng likido, pagbawas ng timbang; lasa ng kalawang sa bibig, pagdalas ng pag-ihi, lalo na sa gabi; pagkahilo at pagsusuka; matinding kirot sa tiyan, mataas na lagnat; o di-regular na tibok ng puso. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagpaalam sa iyong doktor kung ikaw ay may allergies. Sabihin sa iyong doktor kung may ginagamit kang ibang mga gamot at kung nakaranas ka ng mga sumusunod na karamdaman: sakit sa puso; problema sa daloy ng dugo; sakit sa bato; at sarcoidosis. Kung nagbubuntis at nagpapasuso, hingin muna ang payo ng iyong doktor bago uminom ng Hytakerol. ...