Hytrin
Abbott Laboratories | Hytrin (Medication)
Desc:
Ang Hytrin/terazosin ay nasa grupo ng mga gamot na tinatawag na alpha-adrenergic blockers. Pinapaluwag ng Hytrin ang mga arteries at veins para mas madaling dumaloy ang dugo sa mga ugat. Pinapakalma rin nito ang mga kalamnan sa prostate at pantog, na nagreresulta sa mas madaling pag-ihi. Ang Hytrin ay ginagamit bilang panglunas sa hypertension (high blood pressure), o pagpapadali ng pag-ihi sa mga kalalakihan na may benign prostatic hyperplasia (paglaki ng prostate). ...
Side Effect:
Maliban sa postural hypotension at pagkahilo, ang mga maaring side effects ng gamot na ito ay panghihina, pagkapagod, pananakit ng ulo, pamamaga ng mga hita (edema), pagbilis ng tibok ng puso, pagbabara ng ilong, pagka-antok, kawalan ng libido, hindi pagtayo ng ari, at paglabo ng paningin. Sa pagpapakalma ng mga kalamnan at pagpapaluwag ng mga arteries, ang terazosin ay maaring makapagpababa ng blood pressure, lalo na kung ang pasyente ay tumatayo (orthostatic or postural hypotension). Ang postural hypotension o pagkahimatay ay namamalas sa unang dosage o mga unang araw ng paggamit ng gamot. Ang pagbaba ng blood pressure at pagkahimatay ay maari ring maranasan kung biglaang babaguhin ang dosage ng gamot o may kasabay na gamot para sa blood pressure na iniinom. Upang maiwasan ang labis na pagbaba ng blood pressure at pagkahimatay, ang terazosin ay binibigay sa mabababang dosages. Ang prostate cancer at prostatic hypertrophy ay parehong nagpapamalas ng sintomas ng pagkakaroon ng bara sa daluyan ng ihi. Maaring magkasabay ang karamdaman na prostate cancer at prostatic hypertrophy. Kung kaya, ang mga pasyenteng ginagamot para sa prostatic hypertrophy ay dapat isinasailalim sa ebalwasyon upang tiyakin na wala silang prostate cancer. ...
Precaution:
Hindi mo dapat gamitin ang Hytrin kung ikaw ay may allergies sa terazosin. Ang Hytrin ay maaring maging sanhi ng pagkahilo o pagkahimatay lalo na kung ito ay ginamit pa lamang sa unang pagkakataon o ginamit muli pagkatapos ng mahabang panahon. Maari mo ring gamitin lamang ang gamot na ito tuwing oras ng pagtulog kung ito ay nagpapahilo sa iyo. Maging maingat kung ikaw ay nagmamaneho ng sasakyan o gumagawa ng aktibidad na kailangan maging alerto. Iwasan din ang pagtayo sa loob ng mahabang panahon o labis na pag-init ng katawan habang nage-ehersisyo o nasa mainit na panahon. Kung ititigil ang paggamit ng Hytrin sa kahit anong dahilan, tumawag sa iyong doktor kung nais mo itong gamitin muli. Maaring kailangan mo ng dose adjustment. Maari ring maapektuhan ng Hytrin ang mga balintataw ng iyong mata habang nasa isang caract surgery. Ipagbigay alam sa iyong surgeon na gumagamit ka ng Hytrin bago ang operasyon. Huwag rin itigil ang paggamit ng Hytrin bago ang isang operasyon liban nalang kung ipayo ng iyong doktor. Ipaalam din sa iyong doktor ang lahat ng gamot na iyong iniinom, lalo na ang mga gamot para sa blood pressure tulad ng diuretics (water pills). ...