Amerge
GlaxoSmithKline | Amerge (Medication)
Desc:
Ang Amerge ay isang gamot para sa sakit ng ulo na nagpapakitid sa mga ugat sa utak. Ang Amerge ay nagbabawas rin sa mga substansya sa katawab na pwedeng maggantilyo ng sakit ng ulo, pagduduwal, pagkasensitibo sa liwanag at tunog, at ibang mga sintomas ng sobrang masakit ng ulo. Ang Amerge ay ginagamit ring panggamot sa sobrang sakit ng ulo. Ang Amerge ay manggagamot lamang sa mga sakit ng ulo na nagsimula na. Pinipiglan din nito ang mga sakit ng ulo o pinababawasan nito ang mga bilang ng atake. Ang Amerge ay hindi dapat gamitin sa mga karaniwang tensyong sakit ng ulo, sakit ng ulo na nagsasanhi ng kawalan ng paggalaw sa isang bahagi ng katawan, o kahit anong sakit ng ulo na parang iba mula sa karaniwang sobrang sakit ng ulo. Gamitin lamang ang medikasyong ito kung ang iyong kondisyon ay nakumpirma na ng doktor bilang sobrang sakit ng ulo. ...
Side Effect:
Ang pamumula, mga sensasyon ng pangingilabot/pagkamanhid/paghahapdi/init, panghihina, pagkaantok, o pagkahilo ay maaaring mangyari. Kung alinman sa mga epektong ito ay tumagal o lumala, sabihan agad ang iyong doktor o parmaseutiko ng maagap. Ang paninikip ng dibdib/panga/leeg ay pwedeng karaniwang mangyari pagkatpos ng paggamit ng naratriptan. Madalang lamang ang mga senyales ng seryosong kondisyon. Ngunit, maaaring hindi mo masabing iba ito sa mga seryosong reaksyong kaugnay ng kawalan ng pagdaloy ng dugo papuntang puso, utak o ibang parte ng katawan. Humingi ng agarang atensyong medikal kung alinman sa mga hindi malamang ngunit napakaseryosong (maaaring nakamamatay) na epektong mangyari: sakit ng dibdib, sakit ng panga/kaliwang braso, pagkahimatay, mabilis/iregular/kumakabog na tibok ng puso, mga pagbabago sa paningin, panghihina sa isang bahagi ng katawan, pagkalito, putol-putol na pananalita, bigla o matinding sakit ng tiyan, madugong pagtatae. Sabihin agad sa iyong doktor kung alinman sa mga hindi malamang ngunit seryosong epekto ang mangyari: asul na mga daliri sa kamay/papa/kuko, malamig na sensasyon ng mga kamay/paa, pagbabago sa pandinig, mga pagbabago sa kaisipan/kalooban, sumpong. Ang medikasyong ito ay maaaring madalang na magsanhi ng napakaseryosong kondisyon tulad ng serotonin na sindrom. Ang panganib ay napapataas kapag ang medikasyong ito ay ginamit kasama ang ilang ibang mga gamot tuald ng ibang mga triptan na ginagamit upang gamutin ang mga sakit ng ulo (halimbawa, sumatriptan, zolmitriptan), ilang antidepressant kasama ng SSRIs (halimbawa, citalopram, fluoxetine, paroxetine) at NSRIs (e. g. , duloxetine, venlafaxine), o ilang gamot para gamutin ang sobrang timbang (sibutramine). Sa mga hindi malamang na pangyayaring mayroon kang seryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito, humingi ng agarang atensyong medikal. Ang mga sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi ay may kasamang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Amerge, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay hindi hiyang sa naratriptan; o sa ibang triptan na gamot para sa sobrang sakit ng ulo; o kung ikaw ay mayroong ibang mga alerhiya. Bago gamitin ang medikasyong ito, komunsulta sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay may kasaysayan ng: sakit sa puso (halimbawa, sakit ng dibdib, atake sa puso), bumabang daloy ng dugo sa utak (halimbawa, atakeng serebral, transient ischemic na atake), sakit sa sirkulasyon ng dugo (halimbawa, iskemik na sakit sa bowel), hindi kontroladong altapresyon (altapresyon), ilang uri ng mga sakit ng ulo (hemiplegic o basilar migraine), sakit sa atay, sakit sa bato. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong mga sumusunod na salik ng panganib para sa sakit ngpuso: dyabetis, pampamilyang kasaysayan ng sakit ng puso, altapresyon (kontrolado), mataas na kolesterol, sobrang timbang, naninigarilyo, babaeng nagmenopos na, lalaking higit na sa 40 taon. Ang gamot na ito ay maaaring gawin kang nahihilo o naantok. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawaing nangangailangan ng agap o malinaw na paningin hanggang sa makisiguro ka ng kaya mo ng gawin ang mga ito ng ligtas. Limitahan ang pag-inom ng alak. Ang panganib ng sakit sa puso, sakit sa atay, at altapresyon ay tumataas kasabay ng edad. Hindi inirirekomenda ng tagagawa ang paggamit ng naratriptan sa mga matatanda dahil sila ay maaaring mas sensitibo sa mga epekto, lal ng altapresyon. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay buntis, planong magbuntis, o magpasuso. Kung ikaw ay mabuntis habang gumagamit ng naratriptan, tawagan ang iyong doktor. Kung ikaw ay magkakaroon ng operasyon, kasama ang pangngipin na operasyon, sabihin sa iyong doktor o dentista na ikaw ay gumamit ng naratriptan. ...