Infliximab Injection
Schering-Plough | Infliximab Injection (Medication)
Desc:
Ang infliximab injection ay ginagamit upang pawiin ang mga sintomas ng mga espisipikong autoimmune disorders (isang kundisyon kung saan ang immune system ng katawan ay inaatake ang mga malulusog na bahagi ng katawan at nagreresulta ito sa pananakit, pamamaga, at pagkasira) tulad ng: rheumatoid arthritis, Crohn's disease at ulcerative colitis.
...
Side Effect:
Maaring makaranas ng pagsakit ng ulo, pananakit ng tiyan, at pagkahilo. Kung ang mga ito ay manatili o lumala, ipagbigay alam kaagad sa iyong doctor o pharmacist. Kabilang sa mga seryosong side effects ay: pagkirot/pamamaga sa lugar ng pagturok; pagsakit ng mga kalamnan at kasu-kasuan; pamamaga ng paa at bukong-bukong; madaling magkaroon ng galos o sugat; pagbabago sa paningin; seizures; pagkalito; panghihina ng kalamnan; pamamanhid sa mga braso at hita; hugis paru-parong mga pantal sa mukha; pananakit ng dibdib; pananakit/pamumula/pamamaga ng braso at hita; pagkahingal; mabilis/mabagal/irregular na tibok ng puso. Ipagbigay alam kaagad sa iyong doktor kung mamalas ang mga sintomas ng impeksyon gaya ng: lagnat, pangangatog, pagpapawis sa gabi, matinding ubo, matinding pananakit ng lalamunan, hirap sa paghinga, masakit/madalas na pag-ihi, paglabas ng di-karaniwang likido mula sa ari ng babae, mga puting patches sa bibig (oral thrush). Ang gamot na ito ay napakadalang na magsasanhi ng isang seryoso (at minsan nakamamatay) na sakit sa atay. Karamihan sa mga kaso ay lumalabas pagkatapos ng dalawang linggo hanggang higit isang taon na paggamit ng infliximab. Ipaalam sa iyong doktor kaagad kung makaranas ng mga sintomas ng sakit sa atay, tulad ng kulay tsaa na ihi, labis na pagkapagod ng katawan, labis na pagkirot ng tiyan/sikmura, o paninilaw ng mata/balat. Madalang magkaroon ng matinding allergic reaction sa gamot na ito. Ngunit, humanap kaagad ng medikal na atensyon kung makaranas ng sintomas ng seryosong allergic reaction tulad ng: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga, at hirap sa paglunok.
...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong healthcare provider kung ikaw ay may allergic reaction sa infliximab injection, kahit anong gamot na gawa mula sa murine (mouse) proteins, iba pang gamot, o kahit alin sa mga sangkap na gamit sa infliximab injection. Ipaalam din sa iyong doktor ang mga gamot na iyong iniinom na may preskripsyon at walang preskripsyon, mga bitamina, nutritional supplements, at mga herbal products na iniinom mo o planong inumin. Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw na nakatanggap na ng phototherapy (isang metodo sa paggamot ng psoriasis na gumagamit ng ultraviolet light at tinututok sa balat), o kung nagkaroon ka man ng karamdaman sa na naapektuhan ang iyong nervous system, tulad ng: multiple sclerosis (MS; kawalan ng koordinasyon, panghihina, at pamamanhid dahil sa pagkasira ng nerves), Guillain-Barre syndrome (panghihina, sensasyon ng kiliti, o posibleng paralisis dahil sa biglaang pagkasira ng nerves), o optic neuritis (pamamaga ng nerve na nagpapadala ng mensahe mula sa mata papunta sa utak); pamamanhid, pakiramdam na nasusunog o nakikiliti ang balat sa kahit anong bahagi ng katawan; seizures, chronic obstructive pulmonary disease (COPD, grupo ng mga sakit na nakakaapekto sa baga at daluyan ng hangin); lahat ng uri ng cancer, problema sa labis na pagdurugo o mga sakit na nakakaapekto sa dugo; o sakit sa puso. Hindi rekomendado ang paggamit ng gamot na ito kung nagbubuntis o nagpapasuso ng bata nang walang payo ng iyong doktor.
...