Innopran XL

GlaxoSmithKline | Innopran XL (Medication)

Desc:

Ang Innopran XL ay gamot na ginagamit sa pagkontrol ng hypertension; maari itong gamitin ng ito lamang o kaakibat ng mga antihypertensive agents. Ang medikasyon na ito ay isang beta blocker na ginagamit sa paggamot sa mataas na blood pressure. Ang pagpapababa ng blood pressure ay nakatutulong maiwasan ang strokes, atake sa puso, at sakit sa bato. Gumagana ang gamot na ito sa pamamagitan ng pagharang nito sa mga espisipikong aksyon ng natural na kemikal sa iyong katawan (tulad ng epinephrine) na nakakaapekto sa puso at ugat. Nagreresulta ito sa mas mababang tibok ng puso, blood pressure, at strain sa puso. ...


Side Effect:

Ang mga maaring side effects nito ay: mabilis, mabagal, at irregular na tibok ng puso; pagkahilo, pagkahimatay; pagkahingal kahit sa kaunting pagkilos; pamamaga ng bukong-bukong o paa; lagnat; pananakit ng lalamunan; at matinding sakit ng ulo. Ang pagkahilo at pagkapagod ay maaring madama habang naga-adjust ang iyong katawan sa medikasyon. Maari ring makaranas ng pagsusuka, pananakit ng tiyan, pagbabago ng paningin, hirap sa pagtulog, at pagkakaroon ng kakaibang mga panaginip. Kung manatali o lumala ang kahit alin sa mga ito ay ipagpaalam kaagad sa iyong doktor o pharmacist. Ang gamot na ito ay maaring bawasan ang daloy ng dugo papunta sa iyong mga kamay at paa kaya maaring maramdamang nanlalamig sila. Maaring palalain ng paninigarilyo ang side effect na ito. Magsuot ng makapal na damit at iwasan ang paninigarilyo. Ipagpaalam kaagad sa iyong doktor kung maranasaan ang mga sumusunod na hindi karaniwan, ngunit seryosong, mga side effect: kawalan ng hininga, pangingitim ng mga daliri sa kamay at paa, pamamaga ng paa at bukong-bukong, pagbabago ng mood (hal. , depresyon), pamamanhid/pangigiliti ng mga braso/hita, napakabagal na tibok ng puso, pagkahimatay, kawalan ng sekswal na kapasidad, hindi mapaliwanag na pagtaas ng timbang, pagdalas ng uhaw/pag-ihi. Ipagbigay alam kaagad sa iyong doktor kung maranasan ang mga sumusunod na pambihira, ngunit seryoso na side effects: madaling magalusan/masugatan, senyales ng impeksyon (hal. , lagnat, hindi nawawalang pananakit ng lalamunan), pananakit ng kasu-kasuan/kalamnan. Humanap kaagad ng atensyong medikal kung makaranas ng kahit anong sintomas ng malubhang allergic reaction tulad ng: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na ng mukha, dila, lalamunan), labis na pagkahilo, at hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gumamit ng propranolol, ipagbigay alam sa iyong healthcare provider kung ikaw ay may malubhang reaksyon sa ibang beta blockers (hal. , metoprolol); o kung ikaw ay may kahit anong uri ng allergies. Bago gamitin ang gamot na ito, kumonsulta sa iyong doktor o pharmacist kung ikaw ay: mayroong heart rhythm problems (sinus bradycardia, second- or third-degree atrioventricular block), malubhang pagpalya ng puso, asthma. Ipagpaalam sa iyong doktor ang iyong medical history bago gamitin ang gamot na ito lalo na kung ikaw ay: problema sa paghinga (hal. , bronchitis, emphysema), heart failure (treated, stable type), iba pang uri ng sakit sa puso (hal. , Wolff-Parkinson-White syndrome), overactive thyroid (hyperthyroidism), sakit sa bato, sakit sa atay, sakit sa pagdaloy ng dugo (hal. , Raynaud's disease), isang uri ng tumor (pheochromocytoma), karamdamang mental (hal. , depresyon), isang uri ng karamdaman sa kalamnan/nerves (myasthenia gravis). Bago sumailalim sa operasyon, ipaalam sa iyong doktor o dentista na ikaw ay gumagamit ng gamot na ito. Kung ikaw ay may diabetes, ang gamot na ito ay maaring makatulong upang maiwasan ang mabilis at malakas na tibok ng puso kapag labis na bumababa ang lebel ng iyong blood sugar (hypoglycemia). Ugaliing alamin ang iyong lebel ng blood sugar palagi at naayon sa payo ng iyong doktor. Ipaalam kaagad sa iyong doktor kung ikaw ay nakararanas ng mga sintomas ng mataas na lebel ng blood sugar tulad ng: labis na pagkauhaw, gutom, at pag-ihi. Maaring kailangan i-adjust ang iyong diyeta at medikasyon kontra diabetes. Maaring makaranas ng pagkahilo sa gamot na ito. Huwag magmaneho ng sasakyan, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong aktibidad na kailangan ikaw ay alerto hanggang sigurado ka na kaya mo na itong gawin nang ligtas. Iwasan ang mga inumin na may alcohol. Hindi rekomendado ang paggamit ng gamot na ito kung nagbubuntis o nagpapasuso ng sanggol nang walang payo ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».