Iodinated glycerol - oral

Ego Pharmaceuticals | Iodinated glycerol - oral (Medication)

Desc:

Ang gamot na Iodinated gliserol ay isang kalse ng expectorant. Ito ay tumutulong na paluwagin ang plema at mapanipis ang uhog upang maisama ito sa pag-ubo. Ito ay nakakatulong sa mga may sakit sa baga tulad ng hika, brongkitis o cystic fibrosis upang matanggal ang mga uhog sa iyong baga. Inumin ang gamot na ito pagkatapos kumain upang maiwasan ang problema sa tiyan. Uminom lamang ng ayon sa payo ng doktor. Tandan na huwag taasan ang dosis o uminom nang mas madalas o mas mahaba kaysa sa inireseta ng doktor. ...


Side Effect:

May kaakibat na epekto sa katawan ang gamot na ito. Ang pagduduwal, pagkabalisa ng tiyan, ay maaaring mangyari sa unang ilang araw. Kung ang mga epektong ito ay nagpapatuloy o nagiging nakakainis, ipagbigay-alam sa iyong doktor. Maging tapat sa doktor at ipaalam kung nagkakaroon ka ng:malubhang sakit sa tiyan, namamagang bibig o lalamunan, pananakit ng kalamnan, pantal, lagnat, pagsusuka, pagkawala ng gana, pagkahapo, kahinaan, pagbahin, pamamanhid ng mga kamay o paa, sakit ng ulo, lasang bakal sa bibig. Kapag may napansin na iba pang mga epekto na hindi nakalista sa itaas ay kontakin ang iyong doktor o parmasyutiko. ...


Precaution:

Napakahalaga na sabihan ang iyong doktor kung mayroon kang:isang kondisyon ng teroydeo. Ang gamot ay maaaring magpalala ng acne sa katawan. Ito ay hindi ligtas gamitin ng mga buntis o nagpapasuso. Talakayin ang mga panganib at benepisyo sa iyong doktor. Dahil ang maliliit na halaga ng gamot na ito ay lilitaw sa gatas ng dibdib ng ina. Bihira lamang ang reaksiyong alerdyi dulot ng gamot na ito. Ipagbigay-alam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi. Sabihan ang iyong doktor kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka o nagkaroon ka ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon:sakit sa bato, colitis, o mga problema sa tiyan. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».