K - Dur

Schering-Plough | K - Dur (Medication)

Desc:

Ang K-Dur ay naglalaman ng potasyum klorido. Ang potasyum ay isang mineral na matatagpuan sa maraming pagkain at kinakailangan para sa maayos na pagtakbo ng iyong katawan, lalo na ang pagtibok ng iyong puso. Ang K-Dur ay ginagamit upang maiwasan o upang gamutin ang mababang antas ng potasyum sa dugo (hypokalemia). Ang antas ng potasyum ay maaaring maging mababa bilang resulta ng isang sakit o mula sa paginom ng ilang mga gamot, o pagkatapos ng matagal na karamdaman na may kasamang pagtatae o pagsusuka. ...


Side Effect:

Itigil ang pag-inom ng gamot na ito at ipagbigay-alam agad sa iyong doktor kung nangyari ang alinman sa mga sumusunod na bihira ngunit malubhang epekto:maitim / madugong dumi, pagsusuka ng animo'y giniling na kape, matinding sakit sa tiyan / puson, pagkahilo, tibi, pamamaga ng tiyan. Humingi ng agarang atensiyong medikal kung nakakaranas ka ng anumang mga sintomas ng isang malubhang reaksyon sa alerdyi na maaaring kabilang ang:pamamantal, pangangati / pamamaga (lalo na ng mukha / dila / lalamunan), matinding pagkahilo, problema sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo na ang:mga problema sa puso (tulad ng baradong puso), ilang mga problema sa kalamnan (familial periodic paralisis), mga problema sa bato (tulad ng pagbagsak ng kidney, hirap sa pag-ihi), heat cramp, atbp. Dahil sa iilang ulat na may kinalaman sa mga ulser sa tiyan / bituka at pagdurugo sa paggamit ng sustained-release na mga produktong potasyum klorido, hindi ka dapat gumamit ng mga tableta maliban kung hindi ka makakainom ng likido o tinutunaw na uri ng potasyum. Hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».