Aminocaproic Acid
Xanodyne Pharmaceuticals | Aminocaproic Acid (Medication)
Desc:
Ang Aminocaproic acid ay kasama sa isang klase ng medikasyon na tinatawag na mga hemostatik at gumagawa bilang panglaban sa fibrinolysis. Ito ay ginagamit para sa pagkontorl ng pagdurugo na nangyayari kapag ang mga namuong dugo ay natunaw ng masyadong mabilis, habang o pagkatapos ng operasyong sa puso o atay; sa mga taong mayroong ilang karamdamang pagdurugo; sa mga taong may kanser sa prosteyt, baga, tiyan, o kwelyo ng matris; at sa mga buntis nababaeng nakararanas ng abrupsyong pang-inunan. Ang Aminocaproic acid ay ginagamit rin para kontrolin ang pagdurugo sa pang-ihing trak na maaaring mangyari pagkatapos ng operasyon sa prosteyt o bato o sa mga taong may ilang uri ng kanser. ...
Side Effect:
Katulad ng kahit anong gamot, ang Aminocaproic acid ay pwedeng magsanhi ng mga epekto. Kasama dito ang: pagduduwal, pagsusuka, sakit o pamumulikat ng tiyan, pagtatae; sakit ng ulo, pagkahilo, pagkalito, mga halusinasyon, pamamaga ng mga braso, kamay, paa, bukong-bukong, o binti; bumaba o lumabong paningin o pagtunog sa tainga. Ang mga higit na seryosong epekto na nangangailangan ng tulong medikal: reaksyong alerdyi tulad ng pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga o paglunok; panghihina ng kalamnan; pagod; presyur o pagpipiga ng dibdib; sakit sa dibdib; mabilis o mabagal na tibok ng puso; pag-ubo ng dugo; ihing kulay kalawang; bumabang dami ng ihi; pagkahimatay; sumpong. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon. Ipaalam sa iyong doktor ang iyong kasaysayang medikal at kung ikaw ay nagkaroon ng pamumuo ng dugo o sakit sa bato, puso, o atay. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...