K - TAB

Abbott Laboratories | K - TAB (Medication)

Desc:

Ang K-TAB ay mas kilala bilang potasyum klorido. Ang potasyum ay isang mineral na matatagpuan sa maraming pagkain at kinakailangan para sa maayos na takbo ng iyong katawan, lalo na ang pagtibok ng iyong puso. Ang suplemento na ito ay ginagamit upang gamutin o maiwasan ang mga mababang antas ng potasyum sa dugo, kondisyon na tinatawag na hypokalemia, na maaaring humantong sa panghihina, pagkapagod, iregular na pagtibok ng puso, paralisis, at hindi paggana ng kidney. Ang potasyum klorido ay dapat inumin sa pamamagitan ng bibig, ayon sa direksyon ng iyong doktor. Ang dosis ay batay sa iyong medikal na kondisyon at tugon sa paggamot. Huwag taasan ang dosis o dalas kung wala ang payo ng iyong doktor. ...


Side Effect:

Ang mga pangkaraniwang maaaring maging sanhi ng Potasyum Klorido ay ang bahagyang pagduduwal o pagsakit ng tiyan; bahagya o paminsan-minsang pagtatae; bahagyang pakiramdam ng kiliti sa iyong mga kamay o paa; o paglabas ng potasyum klorido na tableta sa iyong dumi. Kung mayroon man sa mga ito na nagpatuloy o lumala, tumawag sa iyong doktor. Humingi kaagad ng pangangalagang medikal kung napansin mo ang alinman sa mga sumusunod na malubhang epekto:pagkalito, pagkabalisa, pakiramdam na ika'y mawawalan ng malay; iregular na pagtibok ng puso; matinding pagkauhaw, pagdami ng ihi; hindi komportableng pakiramdam sa binti; panghihina ng kalamnan o pakiramdam ng pagkapilay; pamamanhid o pakiramdam ng kiliti sa iyong mga kamay o paa, o sa paligid ng iyong bibig; matinding sakit sa tiyan, patuloy na pagtatae o pagsusuka; maitim, madugo, o malapot na dumi; o pag-ubo nang may kasamang dugo o pagsusuka ng animo'y giniling na kape. Humingi ng agarang atensiyong medikal kung nakakaranas ka ng anumang mga sintomas ng isang malubhang reaksyon sa alerdyi na maaaring kabilang ang:pamamantal, pangangati / pamamaga (lalo na ng mukha / dila / lalamunan), matinding pagkahilo, problema sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang K-TAB ipagbigay-alam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang mga alerdyi, kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka o nagkaroon ka na ng anumang mga sumusunod na kondisyon:hyperkalemia; pagbagsak ng kidney; Addison's disease; malaking pinsala sa tisyu tulad ng isang matinding pagkasunog; sakit sa puso o mataas na presyon ng dugo; pagbara sa iyong tiyan o bituka; o talamak na pagtatae tulad ng ulcerative colitis, Crohn's disease. Hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».