Lamivudine and zidovudine
Rosemont Pharmaceuticals | Lamivudine and zidovudine (Medication)
Desc:
Ang Lamivudine at Zidovudine ay kasama sa klase ng mga gamot na tinatawag na reverse transcriptase inhibitors. Ang kombinasyon ng Lamivudine at Zidovudine ay ginagamit laban sa sakit na human immunodeficiency virus (HIV) sa mga pasyente na mayroon o walang acquired immunodeficiency syndrome (AIDS). Ang gamot na ito ay hindi permanenteng lunas o panghadlang laban sa HIV o kaya ay sintomas ng AIDS; subalit, nakakatulong ito upang limitahan ang pagdami ng HIV at pinapabagal nito ang pagkasira ng immune system. Ang gamot na ito ay iniinom ayon sa payo ng iyong doktor. Ang dosage nito ay base sa iyong kondisyong medikal at reaksiyon ng katawan sa gamot. Huwag taasan ang dosage o dalasan ang pag-inom nito ng walang abiso galing sa iyong doktor. ...
Side Effect:
Kasama sa mga inaasahang epekto ng gamot na ito, maari kang makaranas ng mga sumusunod na side-effect:allergic reaction - pantal, pangangati, hirap sa paghinga, pamamara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o mga pantal; pangingisay ng katawan; pagkamanhid; pangingilo o pakiramdam na nasusunog ang iyong mga daliri sa kamay o paa; lagnat o sumingasing. Kung ang mga nabanggit na sintomas ay iyong naramdaman, agad pumunta sa pinakamalapit na ospital. Ang mga sumusunod ay mga sintomas na hindi malubha at kailangan lang isangguni sa iyong doktor kung hindi mawala-wala o kaya ay lumalala:sakit ng ulo, pagkalam ng sikmura, pagtatae, hirap sa pagdumi, kawalan ng gana kumain, pagkahilo, hirap sa pagtulog o pananatiling tulog, pakiramdam ng sobrang pagkapagod, depresyon, pagbabara ng ilong, ubo o pagkalagas ng mga buhok. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot, ipaalam sa iyong doktor kung meron kang kahit anong klase ng allergy. Sabihin din kung gumagamit ka din ng ibang gamot at kung ikaw ay nakaranas o nakakaranas ng mga sumusunod:anemia, pagbaba sa produksiyon ng bone marrow, pancreatitis, Hepatitis B, Hepatitis C, sakit sa bato o sakit sa atay. Dahil ang Lamivudine at Zidovudine ay maaaring makasanhi ng pagkahilo o antok, ipagpaliban muna ang pagmamaneho o paggamit ng mabibigay na makinarya hanggang sa palagay mo ay kaya mo na itong gawin ng ligtas. Hindi inire-rekomenda ang paggamit ng mga gamot na ito sa mga buntis o nagpapa-susong mga ina na walang abiso galing sa doktor. ...