Lansoprazole, Clarithromycin, and Amoxicillin
Abbott Laboratories | Lansoprazole, Clarithromycin, and Amoxicillin (Medication)
Desc:
Ang Lansoprazole ay isang proton pump inhibitor (PPI) na pumipigil sa paggawa ng asido sa iyong sikmura. Ang Amoxicillin at Clarithromycin naman ay mga antibiotics na ginagamit upang gamutin ang maraming klaseng impeksiyon na dulot ng bacteria. Ang kombinasyon ng mga gamot na ito ay ginagamit upang gamutin at pigilan ang pagbalik ng ulcers (mga sugat sa loob ng tiyan at ng bituka) na idinudulot ng isang klase ng bacteria na tinatawag na Helicobacter pylori. Ang gamot na ito ay iniinom base sa direksyon na binigay ng iyong doktor para sa iyong kondisyon. Ang tamang dosage ay nakabase sa iyong kondisyong medikal at tugon sa gamot. Huwag itaas ang dosage o dalas ng pag-inom ng gamot na ito na walang abiso ng iyong doktor. ...
Side Effect:
Ang konbinasyon ng mga gamot na ito ay maaaring magdulot ng mga malulubhang side-effects tulad ng: allergic reaction - pagpapantal ng balat, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila o kaya ay mukha; matubig o madugo na pagdumi; mga senyas ng panibagong impeksiyon tulad ng lagnat, panginginig, sakit ng katawan, sintomas na katulad ng trangkaso, sugat sa bibig; madaling pagkakaroon ng mga pasa o kaya pagdudugo, hindi normal na panghihina; pagkabalisa, pagkalito, hindi normal na pag-iisip o pag-uugali; pagkahilo, pagkahimatay, mabilis o malakas na tibok ng puso; lagnat, sakit sa lalamunan, sakit ng ulo na may kasamang malubhang pagsusugat at pagbabalat ng pulang mga pantal sa balat. Pumunta kaagad sa pinakamalapit na ospital kung mapapansin mo ang mga nasabing mga sintomas. Ang mga sumusunod ay mga sintomas na madalas ma-obsebahan pero hindi malubha: hindi normal o kaya ay masamang panlasa; sakit ng ulo; pagduduwal, pagsusuka, sakit ng tiyan; hirap sa pagdumi; maiitim na dumi/tae; pagkatuyo ng bibig, pagiging mauhawin; sa mga babae, pangangati ng ari at paglabas ng likido. Kumunsulta kaagad sa iyong doktor kung ang mga nasabing sintomas ay hindi nawawala o kaya ay lumala. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit na anong klase ng allergies. Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot at kung ikaw ay mayroon ng mga sumusunod na kondisyon: hika, allergies, pamamantal, allergy sa alikabok o pollen, myasthenia gravis, sakit sa bato o sakit sa atay. Dahil ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng pagkahilo, huwag mag-maneho o opera ng makinarya hanggang sa sigurado ka na ito ay ligtas ng gawin. Huwag gamitin ang gamot na ito na walang pahintulot ng iyong doktor kung ikaw ay nagdadalang-tao o nagpapa-suso ng bata. ...