Lasix

Sanofi-Aventis | Lasix (Medication)

Desc:

Ang lasix ay kilala sa generic na ngalan na furosemide, ay isang diuretic (o water pill) na pumipigil sa iyong katawan na kumuha ng maraming asin, at hinahayaan itong dumaloy sa iyong ihi. Ito ay ginagamit para lunasan ang fluid retention (edema) sa mga pasyente na may karamdamang congestive heart failure, sakit sa atay, sakit sa bato tulad ng nephrotic syndrome, at altapresyon. Inumin ang gamot na ito base sa direksyon na binigay ng iyong doktor. Ang dosage nito ay base sa iyong kalagayang pangkalusugan at responde sa gamot. Huwag itaas ang dosage o dalas ng pag-inom ng gamot na ito na walang abiso galing sa iyong doktor. ...


Side Effect:

Kadalasan ang lasix ay maaaring magdulot ng mga sumusunod: pagtatae, hirap sa pagdumi, sakit ng tiyan, sakit ng ulo, pamamanhid, sakit o pakiramdam ng pangingilo, pagkahilo o paglabo ng paningin. Kung ang mga nasabing sintomas ay patuloy na nararamdaman o kaya ay lumala, pumunta agad sa pinakamalapit na ospital. Ang mga sumusunod ay mga mas malubhang side-effects: allergy, pamamantal, pangngati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha; pagkatuyo ng bibig, pagkauhaw, pagduduwal, pagsusuka, panghihina, pagiging antukin, hindi mapakali, o pag-gaan ng ulo; mabilis o hindi regular na pagtibok ng puso; pananakit o panghihina ng kalamnan; pagbaba ng dalas ng pag-ihi o ang total na hindi pag-ihi; pagdudugo at pamamasa, hindi normal na panghihina; mapula at mahapding pamamantal ng balat; pagkawala ng pangdinig; pagduduwal; sakit ng tiyan; sinat; pagkawalang ganang kumain; maitim na kulay ng ihi, maputlang kulay ng dumi, paninilaw. Kung naranasan ang mga nasabing sintomas, pumunta agad sa pinakamalapit na ospital. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay may allergies, kung ikaw ay gumagamit ng iba pang gamot at kung ikaw ay may mga sumusunod na kondisyon: sakit sa bato; paglaki ng prostate; pagbabara ng bladder o iba pang problema sa pag-ihi; cirrhosis o iba pang sakit sa atay; electrolyte imbalance tulad ng mababang antas ng potassium o magnesium sa iyong dugo; mataas na antas ng kolesterol o triglycerides; gout; lupus o diabetes. Dahil ang lasix ay maaaring magdulot ng pagkahilo at problema sa paningin, iwasang magmaneho o gumamamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa tingin mo ay ligtas na itong gawin. Hindi inire-rekomenda ang paginom ng gamot na ito kung ikaw ay buntis o nagpapa-suso ng bata. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».