Lenalidomide

Vion Pharmaceuticals, Inc. | Lenalidomide (Medication)

Desc:

Ang Lenalidomide ay nasa isang klase ng mga gamot na tinatawag na immunomodulatory agents at gumagana sa pamamagitan ng pagtulong sa bone marrow na makagawa ng normal blood cells at pagpatay sa mga abnormal blood cells. Ginagamit ang Lenalidomide upang gamutin ang anemia (kakulangan sa red blood cells) at isang cancer na naidudulot ng progresibong sakit sa dugo na kilala bilang multiple myeloma. Iniinom ang gamot na ito sa pamamagitan ng bibig, base sa direksyon ng iyong doktor. Ang dosage ay batay sa iyong kondisyong medikal at tugon sa paggamot. Huwag dagdagan ang dosage o dalas ng pag-inom nang walang payo ng iyong doktor. ...


Side Effect:

Kadalasan, ang Lenalidomide ay maaaring maging sanhi ng mga sumusunod: pagduwal, pagtatae, paninigas ng dumi; tuyo o makati ang balat; runny o baradong ilong; sakit ng kalamnan o kasukasuan; sakit ng ulo; o pagod. Kung ang alinman sa mga ito ay patuloy na nararanasan o lumala, tawagan ang iyong doktor. Ang mga sumusunod ay mas bihira, ngunit malubhang mga side-effects: sakit sa dibdib, biglaang hirap sa paghinga, pag-ubo ng dugo; sakit o pamamaga sa iyong braso, hita, o calf muscle; madaling pamamasa, hindi pangkaraniwang pagdurugo o panghihina; lagnat, panginginig, sakit ng katawan, sintomas ng trangkaso; sakit sa ibabang likod, dugo sa iyong ihi; mas mahina ang pag-ihi kaysa sa dati o hindi pag-ihi; pamamanhid o hindi magandang pakiramdam sa paligid ng iyong bibig; panghihina ng kalamnan, paghihigpit, o paninigas, o overactive reflexes; mabilis o mabagal na tibok ng puso, mahinang pulso, hirap sa paghinga, pagkalito, pagkahimatay; matinding pamumula, pagbabalat, at pulang pantal sa balat; o allergic reaction - pantal, pangangati, kahirapan sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha. Kung napansin mo ang alinman sa mga ito humingi kaagad ng tulong medikal. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng allergy. Sabihin sa iyong doktor kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon: sakit sa bato; o kasaysayan ng pamumuo ng dugo o stroke. Hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso. Maaaring bawasan ng Lenalidomide ang bisa ng iyong mga birth control pills, kaya gumamit ng iba pang hakbang sa pag-iingat. Kung nabuntis ka habang ginagamit ito, sabihin kaagad sa iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».