Lescol

Mylan Laboratories | Lescol (Medication)

Desc:

Ang Lescol/fluvastatin ay ginagamit para pababain ang panganib ng mga proseso ng coronary revascularization at mapabagal ang pag-usad ng coronary artherosclerosis (pamumuo ng mga bara sa ugat) sa mga taong may coronary heart disease. Ginagamit din ito kakaibat ang pagdidiyeta para mabawasan ang dami ng kolesterol, LDL kolesterol, ay triglycerides kasama na ang pagpapataas ng antas ng HDL kolesterol. Ang inire-rekomendang dosage ay nasa pagitan ng 20 mg hanggang 80 mg kada araw. Ang Lescol ay maaaring ibigay ng isang beses sa gabi, o kaya ay dalawang beses sa isang araw. Ang extended-release na bersyon nito ay maaaring ibigay sa kahit anong oras ng araw. ...


Side Effect:

Pamamaga ng kalamnan na dulot ng statins ay maaaring magdulot ng malubhang pagkasira ng muscle cells o rhabdomyolosis. Ang mga sumusunod ay mga malulubhang side-effect ng gamot: pananakit ng tiyan o kaya ay cramps, panlabo ng paningin, pagkahilo, madaling pamamasa o pagdudugo, pangangati, sakie sa kalamnan, pamamantal, at paninilaw ng balat o mga mata. Ang hindi malubhang side-effect ay ang mga sumusunod: hirap sa pagdumi, pagtatae, pagkapagod, kabag, heartburn, hirap sa pagtulog at sakit sa kasukasuan. Mayroon ding napapaulat na pagkawala ng memorya, pagiging malimutin, amnesia, pagkalito ay paghina ng memorya. ...


Precaution:

Ilahad ang iyong kasaysayang medikal sa iyong doktor, lalo na kung ikaw ay mayroong sakit sa atay, sakit sa bato, paginom ng alak, o kaya ay may allergies. Limitahan ang pag-inom ng alak. Ang araw-araw na pag-inom ng alkohol ay maaaying magpataas sa panganib ng pagkakaroon ng problema sa atay, lalo na kapag inihalo kasama ang Lescol. Hindi inirerekomenda na inumin ang gamot na ito ng walang pahintulot ng iyong doktor kung ikaw ay buntis o nagpapasuso ng bata. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».