Leucovorin - oral
Unknown / Multiple | Leucovorin - oral (Medication)
Desc:
Ang leucovorin ay ginagamit para pigilan ang masamang epekto ng methotrexate (Rheumatrex, Trexall; cancer chemotheraphy medication) kapag ito ay ginamit para gamutin ang ilang uri ng kanser. Ito ay ginagamit para lunasan ang mga taong nag-overdose ng hindi sinasadya sa methotrexate o mga katulad na gamot. Ang gamot na ito ay napapabilang sa klase ng mga gamot na tinatawag na folic acid analogs. Pino-protektohan nito ang mga malulusog na cells laban sa epekto ng methotrexate at mga gamot na katulad nito, habang hinahayaan ang methotrexate na pasukin at puksain ang mga kanser cells. ...
Side Effect:
Ang ibang side-effects nito ay malubha. Kunsultahin kaagad ang iyong doktor kapag naranasan ang mga sumusunod na sintomas: pagtatae, pamamantal, hirap sa paghinga o paglulon ng pagkain. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay may allergies. Sabihin din sa iyong doktor kung ikaw ay umiinom din ng ibang gamot o kaya ay mayroon ka ng mga sumusunod na kondisyon: anemia dulot ng kakulangan sa vitamin B12. Hindi inirerekomenda na inumin ang gamot na ito ng walang pahintulot ng iyong doktor kung ikaw ay buntis o nagpapasuso ng bata. ...