Levetiracetam - oral
UCB | Levetiracetam - oral (Medication)
Desc:
Ang Levetiracetam ay gamot para sa pangingisay (antiepileptic). Kinokontrol nito ang iilang uri ng pangingisay sa paggamot ng epilepsiya. Ang gamot na ito ay hindi permanenteng lunas sa sakit na epilepsiya at tumatalab lang ito para kontrolin ang pangingisay habang ito ay ginagamit. ...
Side Effect:
Ang sino mang nag-iisip na uminom ng antiepileptic drugs ay kailangang timbangin ang benepisyo nito laban sa posibilidad ng suicide. Ang mga sumusunod ay side-effects na nai-uugnay sa levetiracetam: hirap sa paggalaw o paglalakad, pagiging iritable, pagiging violente, pag-iiba ng mood, pagkabalisa, halusinasyon, delusyon. Ang mga sumusunod ay mga karaniwang side-effect ng levetiracetam: pananakit ng ulo, pagiging antukin, panghihina, pagkahilo, at impeksiyon. Tulad ng ibang anti-seizure na gamot, ang levetiracetam ay hindi dapat inihi-hinto ng biglaan dahil sa panganib na paglala ng pangingisay. ...
Precaution:
Gamitin lamang ang levetiracetam habang nagbubuntis kung ang benepisyo nito ay mas mabigat kumpara sa panganib na maaaring maidulot nito sa sanggol na nasa sinapupunan. Hindi inirerekomenda na inumin ang gamot na ito ng walang pahintulot ng iyong doktor kung ikaw ay buntis o nagpapasuso ng bata. Pinapabagal ng ng gamot na Probenecid (Benemid) ang paglabas sa katawan ng levetiracetam at maaaring madoble ang konsentrasyon ng levetoracetam sa katawan. ...