Levocarnitine - oral

Sigma Pharmaceuticals | Levocarnitine - oral (Medication)

Desc:

Ang Levocarnitine ay isang suplemento sa pagdidiyeta na ginagamit upang maiwasan at matrato ang mababang antas ng carnitine sa dugo. Ang Carnitine ay isang sangkap na ginagawa sa katawan mula sa mga produktong karne at produktong gawa sa gatas. Tinutulungan nito ang katawan na gumamit ng ilang mga kemikal (long-chain fatty acid) para sa enerhiya at mapanatili kang nasa malusog na pangangatawan. Ang mababang antas ng carnitine sa dugo ay maaaring mangyari sa mga taong kung saan ang katawan nila ay hindi maayos na nakakagamit ng carnitine mula sa kanilang mga diyeta, mga taong nasa dialysis dahil sa malubhang sakit sa bato, at mga taong sumasailalim sa panggagamot (tulad ng valproic acid, zidovudine). Ang masyadong mababang antas ng Carnitine ay maaaring maging sanhi ng mga problema sa atay, puso, at kalamnan. ...


Side Effect:

Mayroong ilang mga side-effects na maaaring maranasan pagkatapos gamitin ang gamot na ito, tulad ng: pagkabalisa sa tiyan, pagduwal, pagsusuka, pagtatae, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan/panghihina, pamamaga ng mga kamay/ ibabang bahagi ng binti/paa, namamagang balat, o pangangamoy ng katawan (malaswang amoy) . Kung ang alinman sa mga epektong ito ay mananatili o lumala, makipag-ugnayan kaagad sa iyong doktor o parmasyutiko. Karamihan sa mga taong gumagamit ng gamot na ito ay walang nararanasang malubhang side-effects. Humingi ng agarang medikal na atensyon kung ang bihira, ngunit napaka-seryosong side-effect ay mararanasan: pangingisay. Bihira ang pagkakaroon ng napaka-seryosong allergic reaction sa gamot na ito. ...


Precaution:

May mga iilang kondisyong medikal na maaaring maapektuhan ng Levocarnitine. Abisuhan ang iyong healthcare provider kung mayroon ka ng anumang kondisyong medikal, lalo na kung ikaw ay buntis, nagpaplano na maging buntis, o nagpapasuso, kung kumukuha ka ng anumang gamot, produktong erbal, o suplemento sa pagdidiyeta, kung mayroon kang mga allergy sa mga gamot, pagkain, o iba pang mga sangkap, kung mayroon kang mga problema sa bato o pangingisay. Bago gamitin ang gamot na ito ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng allergy. Sabihin sa iyong doktor kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka nang alinman sa mga sumusunod na kondisyon: sakit sa bato, colitis, o problema sa tiyan. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».