Levocetirizine

Unknown / Multiple | Levocetirizine (Medication)

Desc:

Ang levocetirizine ay ginagamit para sa sipon, pagbahing, at pamumula, pangangati at pagluha ng mga mata na dulot ng hay fever, padagsa-dagsang allergy, at allergy na dulot ng mga dust mites, balahibo ng hayop at amag. Ito ay ginagamit din para lunasan ang sintomas ng hives tulad ng pangangati at pamamantal. Ang levocetirizine ay napapabilang sa klase ng mga gamot na tinatawag ng antihistamines. Hinaharang nito ang pagtalab ng histamine na isang sangkap na nagdudulot ng allergic reaction sa katawan. ...


Side Effect:

Ang malubhang side-effect nito ay hypersensitivity at anaphylaxis, angioedema, fixed drug eruption, pangangati, pamamantal, urticaria, kombulsiyon, paraesthesia, pagkahilo, pagiging agresibo, guni-guni, depresyon, problema sa paningin, paglabo ng paningin, palpitasyon, hindi regular na pagtibuk ng puso, dyspnea, pagduduwal, pagsusuka, pamamaga ng atay, dysuria, at myalgia. Ito ay nauugnay din sa pagkalasing, pagkapagod at astenya. ...


Precaution:

Ipaalam sa doktor kung meron kang allergy sa mga gamot. Bago inumin ang levocetirizine ipaalam sa doktor o parmaseutiko kung mayroon kang sakit sa atay, sakit sa bato, epilepsiya, porphyria (isang sakit sa dugo), glaucoma (pagtaas ng presyon sa mata). Ang levocetirizine ay hindi angkop para sa mga bata na may eded dalawang taon pababa. Hindi inirerekomenda na inumin ang gamot na ito ng walang pahintulot ng iyong doktor kung ikaw ay buntis o nagpapasuso ng bata. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».