Amlodipine

Unknown / Multiple | Amlodipine (Medication)

Desc:

Ang Amlodipine ay nasa isang grupo ng mga gamot na tinatawag na calcium channel blockers. Ang Amlodipine ay nagpaparelaks (nagpapalawak) ng mga ugat at nagpapabuti ng daloy ng dugo. Ito ay ginagamit ng mag-isa lamang o sa kombinasyon ng ibang mga medikasyon upang gamutin ang altapresyon at sakit sa dibdib (anghina). Ito ay nagpapababa ng presyon ng dugo sa pamamagitan ng pagpaparelaks sa mga upang upang ang puso ay hindi na bumomba ng husto. Ito ay kumukontrol sa sakit ng dibdib sa pamamagitan ng pagpapataas ng suplay ng dugo sa puso. Kapag ginamit ng regular, ang Amlodipine ay kumukontrol ng sakit ng dibdib, ngunit kung hindi nito itinitigil ang sakit ng dibdib kapag ito ay sinimulan. ...


Side Effect:

Para sa mga rasong nananatili pa ring misteryo, ang Amlodipine ay ang pinakapopular na medikasyong para sa altapresyon sa parmasya. Ang calcium channer blocker ay nagpapababa ng presyon ng dugo sa parte sa pamamagitan ng pakikialam sa daloy ng kaltsyum sa mga pader ng arterya. Ito ay tumutulong sa pagpapalawak ng mga ugat sa puso at sa buong katawan. Ang posibleng epektong kaugnay ng Amlodipine ay may kasamang: namagang mga bukong-bukong, retensyon ng tubig, pagkahilo, sakit ng ulo, pamumula, pagod, pagduduwal, mga palpitasyon, peripheral neuropathy, pamamantal ng balat. ...


Precaution:

Bago gamitin ang amlodipine, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay hindi hiyang dito; o sa ibang dihydropyridine calcium channel blockers (tulad ng nisoldipine, nifedipine) o kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng ibang mga alerhiya. Ang produktong ito ay maaaring may lamang mga hindi aktibong sangkap na pwedeng magsanhi ng mga reaksyong alerdyi o ibang mga problema. Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor o parmasetiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: ilang problemang istruktural sa puso (aortic stenosis), napakababang presyon ng dugo, sakit sa atay. ang gamot na ito ay maaaring gawin kang nahihilo. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawaing nangangailangan ng agap o malinaw na paningin hanggang sa makisiguro ka ng kaya mo ng gawin ang mga ito ng ligtas. Limitahan ng pag-inom ng alak. Bago magkaroon ng operasyon, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang tungkol sa lahat ng produktong iyong ginagamit (kasama ang mga may resetang gamot, walang reseta gamot at produktong erbal). Habang nagbubuntis, ang medikasyong ito ay dapat lamang gamitin kung malinaw na kinakailangan. Talakayin ang mga panganib at benepisyo kasama ang iyong doktor. Hindi alam kung ang gamot na ito ay naipapasa ba sa gatas ng ina. Konsultahin ang iyong doktor bago magpasuso. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».