Lioresal

Novartis | Lioresal (Medication)

Desc:

Ang Lioresal/baclofen ay ginagamit para sa panggamot ng pamumulikat ng skeletal muscles, muscle clonus, paninigas, at sakit na dulot ng mga kalagayan tulad ng multiple sclerosis. Ang lioresal ay may kaugnayan sa kemikal na gamma-aminobutyric acid (GABA), isang natural na neuro-transmitter sa ating utak. ...


Side Effect:

Ang biglaang pagtitigil sa pag-inom ng intrathecal baclofen ay maaaring magresulta sa mataas na lagnat, pagbalik ng pulikat, paninigas ng kalamnan at rhabdomyolosis (pagkamatay ng kalamnan) na maaaring humantong sa pagbagsak ng ibang bahagi ng katawan, kasama ang mga bato; o maari din humantong sa kamatayan. Ang Lioresal ay maaaaring magdulot ng pagka-antok, panghihina, pagkahilo, pananakit ng ulo, pangingisay, pagduduwal, pagsusuka, mababang presyon sa dugo, hirap sa pagdumi, hirap sa paghinga, hirap sa pagtulog, at pagdalas ng pag-ihi o kaya ay hindi pagtapos ng ihi. Sintomas ng allergic reaction ay ang mga sumusunod: pantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha, dila o lalamunan), malubhang pagkahilo at hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot, ipaalam ang iyong kasaysayang medikal sa doktor o parmaseutiko lalo na ang mga sumusunod: problema sa bato, pangingisay, sakit sa pag-iisip, sakit sa utak (stroke), at kung meron kang kahit anong uri ng allergy. Maaari kang antukin o mahilo sa gamot na ito. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng aktibidad na nangangailangan ng listo at konsentrasyon. Hindi inirerekomenda na inumin ang gamot na ito ng walang pahintulot ng iyong doktor kung ikaw ay buntis o nagpapasuso ng bata. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».