Ammonium
Chattem | Ammonium (Medication)
Desc:
Ang Ammonium lactate ay kombinasyon ng asidong laktik at ammonium hydroxide. Ang Ammonium lactate ay isang moisturizer na ginagamit upang gamutin ang tuyo, nangangaliskis, makating balat. Ito ay para sa pangkasalukuyang paggamit lamang, iwasan ang kontak sa mga mata, bibig, loob ng bibig o ilong, bahagi ng ari ng babae, at kahit anong uri ng sirang balat. Ang pagkirot o pagsusunog ay maaaring mangyari kapag ang medikasyong ito ay inilagay.
...
Side Effect:
Kadalasan, ang Ammonium lactate ay tinatanggap ng maayos at ligtas para sa karamihan ng tao at hindi nagsasanhi ng matinding masamang reaksyon. Ang pinakakaraniwang maaaring isanhi ng medikasyong ito ay ang pagkirot, pagususunog, at pamumula. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, tawagan ang iyong doktor. Sabihan agad ang iyong doktor kung alinman sa mga hindi malamang ngunit seryosong epekto ang mangyari: pag-iitim/pag-liwanag ng balat, maliit na pulang tuldok sa balat. Ang napakaseryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay madalang, ngunit kumuha ng alagang medikal kung alinman sa mga sumusunod na sintomas ang mangyari: pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, matinding pagkahilo, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o pamamantal. ...
Precaution:
Huwag ilagay ang Ammonium lactate sa iyong mukha maliban kung sinabi ng iyong doktor. Iwasan ang pagkakaroon ng medikasyon sa iyong bibig o mga mata. Kung ito ay mapunta sa kahit anong parte, banlawan ng tubig, huwag ilagay Ammonium lactate topical pagkatapos ng pag-ahit o gamitin ito para sa balat na nasunog, nasunog ng hangin, tuyo, putol-putol, iritado, o sirang balat. Iwasan ang pagbabad sa liwanag ng araw o artipisyal na sinag ng UV (ilaw ng araw o pangungulting higaan). Ang Ammonium lactate ay pwedeng gawing mas sensitibo ang iyong balat sa liwanag ng araw, kaya naman gumamit ng sunscreen at magsuot ng protektibong damit kapag nasa labas. Ihinto ang paggamit ng medikasyong ito at tawagan ang iyong doktor kung ikaw ay mayroong matinding pagsusunog, pagkirot, pamumula o pagbabalat ng iyong balat na ginamot ng Ammonium lactate. ...