Lithostat
Mission Pharmacal Company | Lithostat (Medication)
Desc:
Ang Lithostat/acetohydroxamic acid, ay ginagamit kasabay ng mga antibiotics at/o operasyon upang gamutin ang mga uri ng impeksyon sa pantog na dulot ng ilang uri ng bacteria na nagpapataas ng antas ng ammonia sa ihi. Pinalalakas ng gamot na ito ang bisa ng mga antimicrobial agents upang mas lalong bumilis ang paggaling ng pasyente sa chronic urea-splitting urinary infections. Ang Lithostat ay dapat na inumin ng walang laman ang tiyan, karaniwang 3 hanggang 4 na beses araw-araw o tulad ng itinakda ng iyong doktor. Ang dosage ay batay sa iyong kondisyong medikal at tugon sa paggamot. Huwag dagdagan ang dosage o dalas nang pag-inom ng walang payo ng iyong doktor. ...
Side Effect:
Tulad ng anumang gamot, ang Lithostat ay maaaring magdulot ng mga side-effect. Kasama sa karaniwang side-effect ang mga sumusunod: sakit ng ulo, pagduwal, pagsusuka, pagkabalisa sa tiyan, hindi pangkaraniwang pagkawala ng buhok, o pagkawala ng gana sa pagkain. Kung ang alinman sa mga ito ay nagpatuloy o lumala, tawagan ang iyong doktor. Ang mas malubhang side-effect ay nangangailangan ng agarang atensyong medikal. Itigil ang paggamit ng gamot na ito kung nakakaranas ka ng mga sumusunod: mabilis o pagpitik ng tibok ng puso, hindi pangkaraniwang pagkapagod, panghihina, maitim na ihi, pagbabago sa pag-iisip o ng pakiramdam tulad ng nerbiyos, o pagkalumbay, pag-alog (panginginig), sakit, pamumula, o pamamaga ng mga braso o binti, madaling pagpapasa o pagdudugo, mga palatandaan ng impeksyon tulad ng lagnat at paulit-ulit na pamamaga ng lalamunan, problema sa paghinga, sakit sa dibdib, o isang allergic reaction - pantal, pangangati, kahirapan sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng allergy, kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon: sakit sa bato, pamumuo ng dugo, karamdaman sa dugo o bone marrow tulad ng anemia, o regular na pag-inom ng alak. Iwasang uminom ng mga alak habang gumagamit ng Lithostat. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso, hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...