Livostin

Janssen Pharmaceutica | Livostin (Medication)

Desc:

Ang Livostin/levocabastine hydrochloride ophthalmic suspension ay ginagamit para ibsan ang sintomas ng allergic conjunctivitis. Ang Livostin ay isang selective histamine H1-receptor antagonist na ginagamit bilang pampahid sa mga mata. Ang madalas na dosage nito ay isang patak sa apektadong mata, apat na beses sa isang araw. ...


Side Effect:

Ang ilan sa mga masamang karanasan sa paggamit ng Livostin ay pagkabulabog ng paningin, panunuyo ng bibig, pagkapagod, pharyngitis, pananakit at panunuyo ng mata, pagkalasing, pamumula ng mata, paglabas ng likido, pag-ubo, pagduduwal, pamamantal/erythema, eyelid edema, at dyspnea. Ang madalas na nararanasang side-effect sa paggamit ng Livostin ay kadalasang hindi malubha, pansamantalang hapdi at pananakit ng ulo. Pumunta agad sa pinakamalapit na ospital kung ikaw ay makakaranas ng malubhang allergic reaction na may kasamang: pamamantal, pangangati o pamamaga (lalo na ng mukha/dila/lalamunan), malubhang pagkahilo at hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gamiting ang Livostin, ipaalam sa doktor kung ikaw ay may allergies o kaya ay gumagamit ka ng contact lens. Maaaring lumabo pansamantala ang iyong paningin pagkalagay nito. Iwasang magmaneho o gumamit ng makinarya o gumawa ng bagay na nangangailangan ng malinaw na paningin. Kung magkakaroon ka ng impeksiyon sa mata, sugat o kinakailangang sumailalim sa operasyon sa mata, itanong sa doktor kung dapat pa bang ipagpatuloy ang paggamit ng Livostin na kasalukuyang ginagamit, o kailangan na ba itong palitan ng bagong botelya. Hindi inirerekomenda na inumin ang gamot na ito ng walang pahintulot ng iyong doktor kung ikaw ay buntis o nagpapasuso ng bata. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».