Lodoxamide - ophthalmic
Ercole Biotech | Lodoxamide - ophthalmic (Medication)
Desc:
Ang Lodoxamide ay nasa isang klase ng mga medikasyong tinatawag na mga mast cell stabilizer, na gumagawa sa pamamagitan ng pagpipigil sa mga reaksyong alerdyi. Ang Lodoxamide ophthalmic ay ginagamit upang gamutin ang mga pana-panahong sintomas ng mata tulad ng implamasyon, pangangati, pamumula, at pagsusunog dahil sa ilang mga kondisyong alerdying mata tulad ng vernal keratoconjunctivitis, vernal conjunctivitis, o vernal keratitis. Ilagay ang gamot na ito ayon sa dinirekta ng iyong doktor o parmaseutiko at sundin ng eksakto ang mga instruksyong nasa pabala para sa tamang paggamit. Kung ikaw ay gumagamit ng mga lenteng kontak, alisin ang mga ito bago maglagay ng mga pamatak sa mata. ...
Side Effect:
Pinakakaraniwan, ang Lodoxamide ay pwedeng magsanhi ng: malumanay na pagsusunod, pagkirot, o iritasyon ng mata, pangangati, pagluluha, sakit, o pamumula ng mata; malabong paningin; tuyong mga mata; paga o pintog na mga talukap ng mata; pakiramdam na parang mayroong bagay sa iyong mata; o pagtutuklap o mga luha mula sa iyong mga mata. Kung alinman sa mga ito ang tumagal o lumala, tawagan ang iyong doktor. Ang higit na mga masasamang reaksyong ay may kasamang alerhiya. Kung ikaw ay mayroong mapansing alinman sa mga sumusunod na sintomas, kumuha ng agarang alagang medikal: pamamantal, pangangati, hirap sa paghina, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o pamamantal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipaalam sa iyong tagapagbigay ng alagang pangkalusugan kung ikaw ay hindi hiyang dito, sa ibang mga gamot, o kung ikaw ay mayroong kahit anong ibang mga alerhiya. Sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot lalo ng gamot sa mata at kung ikaw ay mayroong ibang mga problema sa mata. Dahil ang Lodoxamideay pwedeng magdulot ng mga problema sa mata, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...