Lomotil

Pfizer | Lomotil (Medication)

Desc:

Ang Lomotil ay isang kombinasyon ng dalawang mga gamot, diphenoxylate at atropine. Ang Lomotil ay ginagamit upang paginhawahin ang akyut na pagtatae. Ito ay tumutulong na pababain ang dami at dalas ng mga paggalaw ng bowel. Ito ay gumagawa sa pamamagitan ng pagpapabagal sa mga pagglaw ng mga bituka. Ang diphenoxylate ay katulad sa mga narkotikong pampaginhaw ng sakit, ngunit pangunahing nagpapabagl ng tiyan. Ang atropine ay kasama sa isang klase ng mga gamot na kilala bilang mga anticholernegic, na tumutulong sa pagpapatuyo ng mga tubig sa katawan at nagpapabagal rin sa paggalaw ng tiyan. ...


Side Effect:

Kahit na ang dosis ng atropine sa Lomotil ay napakabbaba upang magsanhi ng mga epekto kapag ininom sa mga inirekomendang dosis, ang mga epekto ng atropine (kasama ng panunuyo ng balat at mga membranong mukosa, bumilis na tibok ng puso, pang-ihing retensyon, at tumaas na temperatura ng katawan) ay naiulat, partikular sa mga batang edad na mas mababa sa 2 taon at mga batang mayroong sindrom ng Down. Ang yuporya, depresyon, letarhiya, walang kapahingahan, pamamanhid ng mga kamay at paa, kawalan ng ganang kumain, at sakit ng tiyan o hindi kaginhawahan ay naiulat ng madalang. Ang pankreyataitis at nakalalasong megakolon ay naiulat rin. Ang mga pinakakaraniwang mga epekto ay naiulat sa mga taong gumagamit ng diphenoxylate ay may kasamang pagkaantok, sakit ng ulo, pagduduwal o pagsusuka, at tuyong bibig. Ang napakaseryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay madalang. Ngunit, humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Ang pag-iingat ay inaabiso sa paggamit ng gamot na ito sa mga bata, partikular sa mga mayroong sindrom na Down, dahil maaaring sila ay higit na sensitibo sa mga sumusunod na epekto: mataas na lagnat, mabilis na tibok ng puso, kumaunting ihi, pamumula, tuyong balat/bibig, uhaw. Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng: pangkasalukuyang pagkauhaw o imbalanse sa mineral, ilang uri ng sakit sa bowel (akyut na ulseratibong kolaitis); sakit sa atay (halimbawa, obstructive jaundice, sirosis), pagtataeng sanhi ng ilang mga inpeksyon. Ang gamot na ito ay maaaring gawin kang nahihilo o naaantok. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawaing nangangailangan ng agap Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor hanggang sa makisiguro ka ng kaya mo ng gawin ang mga ito ng ligtas. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».